-
Note
-
I woke up late in the morning. Nasilaw ako sa liwanag na nagmumula sa veranda. Binaon ko ang aking mukha sa unan bago kinapa ang kabilang panig ng kama. Nang wala akong nakapa ay napaangat ang ulo ko at tuluyang dumilat. Wala na si Anne sa tabi ko. Inilapat ko ang aking likod sa kama at tumingin sa kisame ng ilang sandali bago nagpasyang bumangon.
Nag-inat ako at humikab. Sumandal sa headboard nang ilang segundo. Napatingin ako sa veranda kung saan nagmumula ang liwanag. Binuksan siguro ni Anne 'yon pagkagising niya.
Tumayo ako at nanuot sa talampakan ko ang lamig ng sahig. Kahit hindi nakabukas ang aircon ay malamig ang buong silid. Normal ang ganitong temperatura sa isla. Nasa mataas na bahagi nakatayo ang villa kaya malamig at presko ang simoy ng hangin. Napatingin ako sa labas. Maganda ang sinag ng araw. Mukhang walang magiging abala sa pagbabalik namin.
Bumaba ako sa kusina at hinanap ko ro'n si Anne. Doon ang lagi niyang punta pagsapit ng umaga. She always cooks for our breakfast. Hindi naman ako nagkamali dahil nakita ko siyang naghahanda ng lamesa. Natigilan siya nang makita akong nakasilip.
"Hey." Ngumiti siya. I smiled back. That smile of hers never fails to give me warmth inside.
"Hey." Tinungo ko ang kinatatayuan niya at niyakap siya kaagad. "Good morning, angel."
"Good morning." Hinarap niya ako at mabilis na hinalikan sa labi. "Wait lang. Handa ko lang yung table tapos kain na tayo."
Hinalikan ko ang pisngi niya. "Bakit ikaw pa ang gumagawa niyan? I told you iutos mo na lang sa-" Tinakpan niya ng kanyang dalawang daliri ang labi ko.
"Lagi mo na lang tinatanong 'yan at lagi na lang kitang sinasagot ng paulit-ulit." Natatawa niyang tugon. "Let me handle this. Kayang-kaya ko na 'to. I love being a hands-on wife."
Napailing na lang ako at hindi na siya nagawang kontrahin. Umupo na ako at pinapanuod siya sa ginagawa niya.
We've been married for two months, the happiest days of my life. Sa dalawang buwan na iyon ay wala akong ibang naramdaman kundi saya at pagmamahal. I feel so complete. Pakiramdam ko ay wala na akong hahanapin pa. Wala na akong mahihiling kundi ang magtuloy-tuloy ang lahat ng 'to.
Natandaan ko ang mga pasaring ng mga piling kaibigan ko sa college na inimbita ko sa rush naming kasal ni Anne. Walang habas sa panunukso tungkol sa pagkakatali ko. Lalo na ang mga bachelor pa rin hanggang ngayon. They said being a married man is like a bird in cage. I don't agree with them. Simula nang magpakasal ako kay Anne pakiramdam ko ay tuluyan akong nakalaya sa nakaraan. And I thank God for that. It's like a mercy from heaven. A miracle that I've been wishing since time immemorial was finally granted. Hindi ako magsasawang magpasalamat sa blessing na 'to. Anne is the best gift He had given me and I'll definitely treasure her 'til the end of my days.
Dalawang buwan na rin kaming nananatili rito sa isla. Dapat ay unang buwan palang ay babalik na kami pero parehas kaming nabitin. We extended our honeymoon phase. Nagrereklamo na nga si Xandrei at inaapura na akong bumalik kahit wala siyang sinasabing dahilan. I can't blame him, though. Marahil ay gusto niyang mabawasan ko ang natatambak na trabaho sa opisina. I work through internet pero hindi ko inuubos ang oras ko sa harap ng laptop. Isa pa, ayoko talagang nagtatrabaho kapag nandito sa isla. Ayoko ng istorbo at ayoko ng may sumisira sa plano ko.
Anne snapped a finger in front of my face. Natauhan ako mula sa malalim na pag-iisip.
"Natulala ka?" Umupo siya sa tabi ko. "May iniisip kang importante."