CYFER POV
Sobrang tagal ko nang nakatayo rito sa likod ng puno. Ilang oras na rin. Nahamugan at nalipasan na ako ng gutom pero ininda ko na lamang iyon. Ramdam ko ang lamig na dala ng hangin kahit naka-jacket ako. Nangangalay na rin ako pero wala akong balak umalis dito hangga't nandito pa 'siya.'
Napatingin ako sa aking writswatch. Hindi ko napansin na ilang minuto na lang at magmamadaling araw na.
Napatingin ako sa taong nakaupo sa bench malapit sa playground. Nakatungo siya at nakatingin sa kanyang cellphone habang umiiyak.
Nag-iwas ako ng tingin at pumikit ng mariin. That was Anne. Alas kwarto ng hapon nang itext niya ako na maghihintay siya rito sa park. Hindi ako nagreply ngunit hindi ko napigilan ang sarili ko na pumunta. Nagulat pa nga ako dahil maggagabi na kanina nung nakarating ako pero nandito pa rin siya at naghihintay. Sobrang pagpipigil ang ginawa ko sa aking sarili para huwag lumapit sa kanya. Nandito lamang ako sa malayo at nakatanaw sa kanya. Pinapanuod ang bawat galaw niya. Hindi ko na mabilang kung ilang beses niyang pinahid ang luha niya. Hanggang ngayon umiiyak pa rin siya.
Sa bawat segundong lumilipas, tumitindi ang galit ko sa sarili. Oo, kailangan kong gawin ito pero hindi ko maatim na makita siyang umiiyak ng dahil sa akin. I know she love me so damn much. Ilang beses niyang pinakita iyon. Ilang beses niya na ring sinabi pero yung ginagawa niya ngayon ang nagpapatunay kung gaano niya ako kamahal. Naghihintay siya kahit hindi ko sinabing pupunta ako. Naghihintay siya kahit alanganin na ang oras at sobrang labo na makarating pa ako.
Wala sa loob na pinukpok ko ang punong sinasandalan ko. Nakakapanghinang makita siyang ganito. It gives me an additional reason to hate myself even more.
Sorry, Anne. For the pain I caused you. For the love I'm going to waste. For the chance I'm throwing away. I just couldn't let you be with me at this moment. You may hate me for doing this but I'm going to risk it. I couldn't let you fight with me. It's us against the world, Anne. Wala tayong panlaban. . .
Tumingala ako sa mabituing langit. We had a right love at the wrong fucking time. Other people might say na mababaw lang 'to, puppy love, teenage affair pero tang ina, siya yung una at siya rin ang gusto kong huli. Hiniling ko na sana siya ang hantungan ko pero iba ang nangyari.
Sana magkaroon ulit kami ng pagkakataon. Yung wala ng hahadlang, yung maayos na ang buhay ko, yung masisiguro ko na sa kanya ako babagsak at gano'n rin siya sa akin.
Pero sa pagkakataong 'to, mukhang malabo na 'yon mangyari. . .
Lumipas pa ang ilang oras, nakayakap na siya sa kanyang sarili. Sana kaya kong lumapit sa kanya at ibigay itong jacket ko. Umiiyak na naman siya. Sana kaya ko siyang yakapin at patahanin. God knows how much I wanted to do that. Naninikip ang dibdib ko habang pinapanuod ko siya.
Nang tumayo siya sa bench ay agad akong nagkubli. Uuwi na siya. Napalunok ako. Tanda na ba 'to ng pagsuko? Hanggang dito na lang ba talaga kami?
Gusto kong humabol pero parang nakadikit na ang mga paa ko sa lupa. Nanatili akong nakabuntot sa kanyang likuran at palihim siyang sinusundan. Nang makapasok na siya sa kanilang malaking gate at nasiguro kong nasa loob na siya ng kanilang bahay ay do'n ako napanatag. Napanatag ngunit hindi pa rin ako makahinga ng maluwag. Naninikip pa rin ang dibdib ko. Parang may pinipiga sa kaloob looban ko. Mas lalo akong nanghina. Napaupo ako sa gutter dahil nawalan na talaga ako ng lakas. Itinukod ko ang aking siko at tuhod ko. Napasabunot ako sa aking buhok.