-
Bothered
-
Pinagmamasdan ko si Cy habang may katawagan siya sa phone. There's something bothering him. I know it. Hindi man niya aminin ay alam kong nag-aalala siya. Palakad-lakad ito sa veranda habang sumasagot sa kausap nito sa phone.
"No. Dyan na lang si Kris. Si Ram. . ."
Umiwas ako saglit ng tingin at napabuntong hininga. Kagabi pa siya ganyan. Nag-aalala kay Kris at Ram. Hindi ko nga alam kung nakatulog siya ng maayos sa pag-iisip.
Morris is back. Ito ang dahilan kung bakit hindi mapanatag ang loob ni Cyfer. I don't have any idea who he is at kung anong klaseng tao ang Morris na iyon dahil hindi ko siya personal na kilala. What I knew about him was only a part of story told by Cyfer and his wife. He was no good man. Iyon ang pinakadidinidiin sa kwentong iyon. Hindi diretsahng salita pero base sa nagawa niyang pagsira sa sarili niyang kapatid at sa babaeng nagmahal sa kanya ng sobra, sapat na iyon para maniwala ako.
Hindi ko gustong maging judgemental pero hindi maaapektuhan ng ganito si Cy kung hindi dahil sa ginawa ni Morris. Naaawa ako kay Ram dahil ginawa lang siyang tulay sa paghihiganti at hindi man lang pinanagutan ni Morris ang batang dinadala noon ni Ram. And there was Kris, may sakit at nangangailangan ng ama pero kahit kooperasyon para malunas ang sakit ng bata ay hindi nagawa ng ama. Nakakamuhi ang gano'ng klaseng tao.
"Thank you, Xandrei. Ayoko lang makita niya ang mag-ina ko."
Natigilan ako sa sinabi ni Cy. Mag-ina ko. Pumikit ako at huminga ng malalim. I have to understand. May mga kahati ako sa kanya at kahit angkinin ko siya ng buo ay mananatili si Cy sa pagtulong kay Ram at Kris. Naiintindihan ko. Hindi naman sarado ang aking isipan sa bagay na iyon. Matagal na panahon ang nawala sa amin at hindi na iyon maibabalik pa. Ang magagawa ko na lang ay maghintay na maayos ang sitwasyon para maging malaya kaming dalawa.
Alam kong mahal niya ako pero napamahal rin si Cyfer kay Kris at mahalaga para sa kanya si Ram. I have to consider those facts. Hindi ako dapt maging selfish sa nararamdaman ko. Maganda ang pakikitungo sa akin ni Ram. Mabuti siyang tao at wala akong maipipintas sa kanya. Siya pa nga ang nagpaliwanag sa mga totoong nangyari sa pagitan niya at ni Cy sa mga nakalipas na taon.
Pero ba't gano'n? Kahit gaano kahabang paliwanag, nakakaramdam pa rin ako ng insecurity? Not to mention, selos?
Pinilig ko ang aking ulo. This is not good.
"Anne." dumilat ako at nakita ko si Cy na nakatunghay sa akin. Umupo siya sa gilid ng kama at hinawakan ang aking kamay.
"Hmm?"
Nagbuntong hininga siya bago muling nagsalita. "We have to go this afternoon. After lunch babalik tayo ng hotel ara mag-ayos ng gamit. By three o'clock, darating ang chopper para ihatid tayo sa Manila." tumitig siya sa akin ng matagal. "Sorry. Hindi natin matatapos ang bakasyon mo."
Ngumiti ako sa kanya. "Okay lang, Cy. May susunod pa naman." inayos ko ang buhok na tumatabon sa kanyang magagandang mata. "Kamusta na sila Kris at Ram?"
"Sinabihan ko yung kapatid ko na sa kanila muna tutuloy si Kris hangga't wala ako. Yung bunso kong kapatid, siya muna ang magbabantay kay Ram sa ospital. I hired two bodyguards at sinabihan kong huwag magpapasok ng ibang tao sa room ni Ram. Kapamilya lang at mga doktor."
Kumunot ang noo ko. "Bodyguard?"
Huminga siya ng malalim. "I won't let Morris see them kahit sa malayo. Kris doesn't know anything. Who knows kung anong maisipan ni Morris?" nagtatangis ang kanyang bagang. "And there's Ram. She was traumatized Anne. Nagiging hysterical siya pag nakikita niya si Morris."