HTLAB2 - Chapter 29
This chapter is for Anna Mae Rivas (Hanuenki). Thank you sa pagsali sa game! Sorry kung natagalan. Thanks din for the chit-chat. Haha! Happy New Year! Lovelots and Godbless!
-
Worth it.
-
We cannot predict life. No one can. May mga bagay na nangyayari nang wala sa plano. Minsan naman ay pag pinaghahandaan mo ay mauudlot at hindi mo malalaman kung matutuloy pa ba. Kung oo, kailan ulit?
Napakaraming pagkakataon sa buhay kong tinanong iyan sa kawalan. Ngunit tinanggap ko na lang na ganito talaga ang buhay. Nakakapanlinlang.
Nakahanap kami ng paraan para makakuha ng bagong donor kay Kris. Hindi biro ang halaga ngunit hindi ko iyon inalintana. Money would never be a question here. Ang importante lang sa akin nung mga panahon na 'yon ay gumaling ang bata.
Ilang buwang under-observation si Kris. Sa tuwing pipilitin niya akong umuwi ay wala akong ibang maramdaman kundi awa at panghihinayang.
"Daddy."
"Hmm? You hungry, son?" Kinusot ko ang aking mata bago siya tinignan. Bumabalik na ang kulay sa kanyang mukha. Nung mga nakaraang buwan ay sobrang putla niya. I can see some progress now.
"Dad, I feel okay. Let's just go home. Yoko na dito."
Kita ko sa kanyang mukha ang kagustuhan niyang makaalis sa ospital na 'to. Ilang buwan na ang nakalipas matapos niyang ma-confine rito. Sa labas ng bintana na lang niya nakikita ang pagsinag at paglubog ng araw. Gustuhin ko man siyang ilabas upang mapagbigyan ang kanyang kagustuhan, mas gusto kong i-secure muna ang kalagayan niya.
Hindi ko rin gustong nandito siya sa ospital. He deserves to see life as a beautiful paradise , not a highway to hell. Dapat ay nasa park siya, naglalaro kasama ang iba pang mga bata. Hindi dapat siya nakahiga sa kamang 'to at kinakaabitan ng kung anu-anong maliliit na tubo sa manipis ng braso.
"Hindi pa tayo pwede umalis rito pag hindi ka pa magaling."
"Pero okay na po ako. 'La na po ako lagnat." Kinuha niya ang kamay ko at dinikit niya sa kanyang leeg. Nginitian ko siya. Lumebel ako sa kanya para makita ang kanyang mukha.
"We have to stay here for now. Kapag magaling ka na, ipapasyal kita sa kahit saan mo gusto."
"Disneyland?" Kumislap ang kanyang mata.
"Anywhere, son."
Kris has been my pillar of strength. Ang pinakarason kung bakit kahit hindi ko nagawang tahakin ang daan na gusto kong tahakin ay hindi ko nagawang pagsisihan man lang ang lahat ng 'to. Nagkaro'n kami ng temporary na solusyon para sa kanyang sakit.
Akay ko siya sa park. Dala niya ang bagong laruang bigay ko sa kanya. Ngunit wala ro'n ang kanyang atensyon kundi sa mga batang masayang nagtatakbuhan. Tumingin siya sa akin. Nginitian ko siya kasabay ng marahang pag-iling. I can't let him join them though I want him to experience a normal childhood. Ngunit bawal siyang mapagod ng sobra. Ayokong isugal ang kalagayan niya para sa konting kasiyahan.
Some trials kept on testing us. It keeps on coming back. Bumalik ang sakit ni Ram. Ngunit mas maluwag niyang tinanggap iyon sa ikalawang pagkakataon.
"God already gave me an extension. That's more than what I've wished, Gelo. Kung mayro'n man akong katiting na pangamba. . ." Hinaplos niya ang buhok ng natutulog na si Kris. "Ay yung pagkakataon na hindi ko na siya makikitang lumaki."
Hinanda na ni Ram ang sarili niya sa mangyayari. Napakaraming pagkakataon ko siyang nakitang nawalan ng malay dahil sa panghihina, umiyak ng tahimik dahil sawa na siyang labaman ang sariling karamdaman at sumigaw sa tuwing ginugupo na siya ng sakit. Pero nanatili akong lumalaban para sa kanya kahit matagal na siyang sumuko para sa sarili niya. I want her to live with Kris. I want her to see Kris grow up.