HTLAB - Chapter 24

57.3K 747 54
                                    

 

THIRD PERSON POV

Pinag-aaralang mabuti ni Loren ang mga kasong hawak niya. As of now, dalawang kaso ang tinatrabaho niya para sa pamilya De Vera.

Sandali siyang tumigil sa pagbabasa at tinanggal ang salamin. Para sa kanya, madaling mareresolbahan ang mga kaso kung walang mangyayaring pagtutol mula sa mga lalaking anak ni Frank.

Iniligpit niya ang mga dokumentong binabasa at pinasyang mamaya na lamang iyon ipagpapatuloy. Tinawag niya ang katulong at nagpahanda ng kape. Gabi na ngunit sinubsob niya ang kanyang sarili sa trabaho. Kung siya ang masusunod ay gusto niyang tapusin agad ang mga kasong hawak niya. Ngunit hindi gano'n kadali iyon dahil wala naman siyang karapatang magpasya. Hindi niya hawak ang desisyon ng mga anak ni Frank.

Napangiti na lamang siya ng mapakla. Ang mga anak na lalaki ni Frank ay nagmana rito. Stubborn, proud and care-free. Hindi gusto ng mga ito na may nakikialam sa kanilang buhay. They want to run their own lives in their own ways.

Hindi naman niya masisi ang mga bata dahil pakiramdam siguro ng mga ito na itinatali sila sa isang kompriso ng isang taong patay na. Hindi rin madali para sa mga tulad nila na mawalan ng kalayaang makapag-isip at pumili ng desisyon.

Ngunit hindi rin niya masisi si Frank. For more than two decades, naging katuwang nila ang isa't-isa sa bawat krisis na dumaan sa buhay nila. Kasabay ng paglago ng mga negosyo ni Frank ay ang pag-angat niya bilang abogado. Frank is not just a client. He used to be Loren's pillar of strength. A brother and a friend.

Alam niya ang mga dahilan kung bakit ginagawa ito ni Frank. He only wants the best for his children.

Ang huling habilin ni Frank sa kanya ay masunod ang huling kahilingan nito para sa mga naiwang anak.

Lalo na para sa mga anak nitong lalaki.

Kay Xandrei at Cyfer.

Isang legal at isang lihim na tagapagmana.

Inuna niyang ayusin ang para kay Cyfer dahil ang buong akala niya ay madaling tatanggapin ni Cyfer ang mana. Ngunit mali siya.

Hanggang ngayon ay nagmamatigas pa rin si Cyfer at magalang na tinatanggihan ang iniwang mana ni Frank.

Bumuntong hininga siya at pumikit. Iniisip ang mga sinabing dahilan ni Cyfer. Ang mga dahilan kung bakit hindi nito gustong tanggapin ang iniwan ng yumaong ama. Para rito, wala raw itong karapatan na kunin ang mga iyon. Hindi naman raw ito tunay na anak at ayaw nitong magkaroon ng gusot sa mga legal na anak ng ama.

Alam ng abogado kung ano ang nais iparating ng binata. Hindi rin ipinagkaila ni Frank sa kanya ang detalye ng paglitaw ni Cyfer. Alam niya kung sino at kung kaninong anak ito.

Cyfer Madrigal. Anak ni Gia Madrigal-Herrera. Kilala niya ang ina nito. Nakita na niya ito noon nang makasal si Frank at Lexa. Matalik na magkaibigan si Lexa at Gia. Sa pagkakaalam niya ay si Gia ang naging bridesmaid ni Lexa noong araw ng kasal nito. Sino ang magaakala na may mangyayari sa pagitan ni Frank at Gia sa paglipas ng ilang taon?

How To Love A Bastard ?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon