-
Stuck in memories
-
"You may now kiss the bride." malumanay na sabi ng pari. Nag-aabang ang lahat ng imbitado sa kasalang 'to. Nang mahalikan ng tuluyan ng groom ang bride, malakas na hiyawan at palakpakan ang pumuno sa simbahan.
Masaya ang lahat. Pinunasan ko ang luha ko at saka pumalakpak para sa bagong kasal. Masaya ako. . .masaya ako para sa kanila.
Nanatili akong nakaupo kahit nag-p-pictorial na. Dinumog kasi agad ang bride at ang groom. Mamaya na lang ako babati.
Huminga ako ng malalim at tinignan ang aking relo. Kailangan ko pang bumalik sa ospital. Isang oras na lang at duty ko na.
Nilibot ko ang aking paningin sa loob ng simbahan. Masyadong bongga ang kasalang 'to. Halatang pinaghandaan ng sobra. Napangiti ako. I think of myself having this kind of wedding in the future. Gusto ko sa simbahan rin. . .
Nakaramdam ako ng lungkot. Napag-iiwanan na ata ako. Sabagay, lagi naman akong naiiwan. . .
"Anne!"
Hinawakan ni Rhea ang kamay ko. Nakanguso siya.
"Bakit?"
"Anong bakit? Pictorial na kaya. Nag-mo-moment ka na namang mag-isa dyan." nakapamewang siya sa harapan ko. Natawa na lang ako sa sinabi niya. Tumayo ako at niyakap ko siya.
"Congratulations!" sabi ko sa kanya na sinabayan ko ng tawa. "Naunahan mo pa ako. Akala ko pa naman nung teenager pa tayo, hindi ka makakapag-suot ng wedding gown ."
Tumawa rin siya. "Those were the times I imagined myself wearing a tux." naiiling na sabi niya. "Good thing ,I've changed my heart." marahan siyang tumawa.
Parang gustong malusaw ng ngiti ko. Change of heart. Sana nakaya ko 'yon. Sana nagawa ko. Pero hindi. I was still stuck on the past, stuck in memories.
Masaya ako para sa bestfriend ko. She found herself. She found her right love with the right man. Sana naranasan yung lovestory na meron siya. Mahaba ang proseso, nasaktan man, nakaya niyang lumaban. And now, she vowed to love the man who was deeply in love with her too. The beginning of their forever.
Muling bumalik ang ngiti ko. Hopeless romantic pa rin ako hanggang ngayon kahit na sobrang ilap naman ng romance sa life story ko.
Tinignan ko si Rhea na nakatingin sa akin. May nakiraang lungkot sa mga mata niya. Muli niya akong niyakap. "You'll find yours, Anne. Just wait for it. I'm sure it'll be worth fighting for." sinsero niyang sabi.
Kung teenager pa rin siguro kami, aasarin ko siya. Naaalala kong hindi siya yung tipong mahilig magpayo at magkwento tungkol sa pag-ibig. Lagi pa nga niyang inookray ang pagiging hopeless romantic ko. Pero ngayon, mas nauna pa siyang nagpakasal. Ironic, isn't it?