A/N : Sorry for being inactive for the past weeks. I've been veryyyyyy busy. Forgive me. Babawi ako ngayon. This is a double update. And yes, tuloy-tuloy ito hanggang first week ng November.Add me on fb : KHIRA WP
Join our fb goup : KHIRA'S STORIES
Twitter : @dhanaloveskhira
IG : @dhalliejheane
Read before you vote. Don't mind my errors. Enjoy reading!
-
Protection
-Hindi agad ako nakaapuhap ng sasabihin. Pakiramdam ko ay naestatwa ako sa aking kinatatayuan. Hindi malaman kung sasang-ayon ba ako o tatanggi.
Parehas kami ng iniisip ngunit hindi ko inakalang sasabihin niya ang saloobin niya. He wants to have a child. A baby boy.
Napaiwas ako ng tingin dahil nanatili ang titig niya sa akin. Siguradong pulang-pula na ang mukha ko. Huminga ako ng malalim at yumuko para kunin ang bear na nalaglag ko kanina.
"Sorry." Natigilan na naman ako nang muli siyang magsalita. "Am I freaking you out? Am I too fast?"
Tumingin ako sa direksyon niya. Nakaiwas na siya ng tingin. Nakatuon ang kanyang pansin sa mga miniatures na naka-display. Tumikhim ako bago magsalita.
"No. M-medyo nabigla lang. It's too early to bring out that topic, Cy." Sanay maunawaan niya ang gusto kong maparating.
Kunot-noo siyang lumingon sa akin. Bakas ang pagtataka at pag-aalala sa kanyang mga mata. "Don't you want to be the mother of my children?"
Nabigla ako nung una ngunit nang makabawi ay hindi ko napigilang matawa. Lalo namang kumunot ang kanyang noo. Tumigil ako nang nakasimangot na siya.
"Hey, what's with the long face?" Tanong ko habang nakangiti. Nanatili naman siyang nakasimangot.
"That was really offending." Sagot niya na may bahid na tabang at pagtatampo.
"I'm sorry." Pilit ko pa ring sinusupil ang kiliting nararamdaman ko ngunit hindi ko mapigilang ngumiti.
Napailing siya at umiwas ng tingin pagtapos ay umangat ang kanyang mga balikat dahil sa pagbubuntong hininga.
"Cy, having you as the father of my children would be my greatest pleasure." Lumapit ako sa kanya at kinuha ang kanyang kamay. "But it's too early for that. We have so many things to settle. We're buying our time. Let's wait for our turn. And you aren't freaking me out. I was just shocked that we were thinking the same wishes. I was thinking that I should shut it out and I've decided to keep it from myself just for now because it would make our situation worse."
"I know that." Pabulong niyang tugon. "Hindi ko rin naman sinabing agad-agad. I'm just worried." Huminga siya ng malalim at hinapit niya ang bewang ko para magkalapit kaming dalawa. Ipinatong ko ang aking baba sa kanyang balikat.