HTLAB - Chapter 33

48.9K 622 87
                                    

CYFER POV

Gusto kong isara muli ang pinto nang makita ko kung sino ang taong nasa likod no'n. Tila ako naestatwa ng makita ko ang maaliwalas niyang mukha na nakangiti sa akin.

Morris. . .

Humigpit ang hawak ko sa doorknob. Damn.

Nahanap niya ako.

"Hindi mo ba ako papapasukin?" magalang niyang tanong. Magalang? Tss. Pakitang tao ang tamang term na babagy sa kanya.

Nanatili akong walang imik. Nakatingin lamang ako sa kanya. Hanggang sa humakbang na siya at kusang pumasok ng walang permiso. Napaatras ako nang sadya niyang banggain ang katawan ko. Tumiim ang bagang ko sa ginawa niya.

"Hmm, is this yours?" tanong niya habang nililibot ng tingin ang condo. May mga dinadampot siyang bagay at ilalapag rin.

Sinara ko ang pinto at muli siyang hinarap.

Alam kong darating kami sa puntong 'to. Na mahahanap niya ako at maghaharap muli kaming dalawa. Hindi ko lang inaasahan na agad niya akong nahanap.

Hinanap nga ba o pinahanap? Mas lalong nanigas ang mukha ko sa kaisipang 'yon. Tuso siya.

Gagawin niya ang lahat, masunod lamang ang mga naaayon sa plano niya.

"How are you?" casual nitong tanong. Umupo sa sofa at tumingin pabalik sa akin. "Did sense me coming back for you, brother?"

Hindi ko pinansin ang mga tanong niya. "I'm sure you are not interested on my life as same as I'm not interested in yours. Leave." matigas kong sagot.

Napailing ito ngunit hindi natatanggal ang ngiti sa mga labi. "You are really heartless."

I smirked. "The trait we have in comparison."

His smile faded. Sandaling tumalim ang tingin niya sa akin. Ngunit agad ring nawala iyon nang muli siyang ngumiti.

"So, wala ka ng balak umuwi?"

"Hangga't nandito ka. Wala."

Ngumisi siya. He taps his fingers on the side of the couch.

"Well, wala ka na rin namang uuwian. . ."

What does he mean? Nabalot ng pagtataka ang isipan ko ngunit hindi ako nagtanong.

"Mom will come home soon. Don't you want to see her?"

Muli akong natigilan. She will go back in this country? Kung totoo ang sinasabi ni Morris, para saan naman?

How To Love A Bastard ?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon