ANNE POV
Hindi maalis sa isip ko ang mga nasasaksihan ko sa resto. Maraming katanungan ang gumugulo sa akin.
Sino kaya ang kausap ni Cyfer? Bakit kailangang humantong pa sa suntukan?
Hindi naman bayolenteng tao si Cyfer. He's just cold and distant and the kind of person who seems not to care about what was happening in his surrounding. Hindi rin siya yung tipong nagpapasimula ng gulo.Sigurado ako roon.Kagaya na lang nung away nila ni Geo.Napalitang lumaban si Cy dahil prinovoke siya ni Geo at ang mga kabarkada nito.Wala rin naman akong nabalitaan na nakipagsuntukan siya sa academy.Sapat na ang pagiging malamig niya sa lahat para katakutan siya ng karamihan. May mga taong sadyang naaangasan sa kanya at pinapakitaan siya ng kayabangan.Sa tingin ko nga,insecure sila kay Cy.Wala naman kasing ginagawa si Cy at hindi naman niya intensyon na magpakita ng angas. Para ngang hindi pa siya aware kung gaano siya kaastig. Hindi siya katulad ng ibang lalaki sa academy na umaastang hari. His coolness is different from others. He is awesome.
Napabuntong hininga na lamang ako. Siguro ay naiiba rin ang point of view ko sa lahat. Ako lang siguro ang todo papuri kay Cyfer. Anong gagawin ko? Mahal ko,eh. Atleast,hindi ako bulag. Hindi ako tulad nila na mapanghusga. Lahat ng nakikita ko kay Cy ay hindi naman nakabase sa kung ano ang nararamdaman ko sa kanya. It was base on what he was showing me kapag kaming dalawa na lamang ang magkasama. Kilala ko ang tunay na Cyfer.
Bumalik na naman sa isip ko ang ilang katanungan. Siguro'y may ginawa o sinabi ang lalaking 'yon para magalit ng ganoon si Cy. Kaano-ano kaya niya ang lalaking 'yon?
Kanina ko pa siya tinatawagan pero ring lamang ng ring. Yung unang tawag ko, sinagot niya pero hindi siya nagsalita. Pag lipas ng ilang minuto, agad niya ring binaba. Inisip ko nga na baka gusto niya munang mapag-isa. Still, nag-try pa rin ako na tawagan siya ngunit hanggang ngayon ay hindi pa rin niya sinasagot. Nag-aalala ako.
I-open up niya kaya sa akin ang bagay na 'yon?
Inilapag ko sa side table ang cellphone. Bukas ko na lamang siya kakausapin. Ilang minuto na rin akong nakahiga sa kama at pumipikit na rin ang aking mga mata ng biglang tumunog ang cellphone ko. Agad akong napabangon. Muntik pa akong malaglag sa kama kakamadali.
Kumunot ang noo ko ng makita kong unregistered number ang tumatawag. Kapag ganito ang scenario, hindi ko sinasagot dahil baka prank lamang. But now, parang may bumubulong sa akin na sagutin ang tawag. Teka, sino pa ba ang tatawag sa akin ng ganitong oras? If it is Rhea, naka-save naman ang apat niyang number dito sa cellphone ko.
Tumigil sa pag-ring ang cellphone ko. Hindi ko na nasagot ang tawag.
What if it's Cyfer? My eyes grew wide as realization hits me. Baka nga siya!
Hinintay kong muli na mag-ring pero mukhang hindi na ito muling tatawag. Nag-aalinlangan pa ako nung una kung ako na lamang ba ang tatawag o babalik na lamang ako sa pagtulog?
Bago ko pa mapagdesisyunan kung alin sa dalawa ang dapat kong gawin, I found myself dialing the number. Bahala na!