A/N : Another long update. I had a long free time kaya nakabuo ulit ako ng 5k words update. Haha! I love you all! Pambawi sa mga araw na sobrang tumal ng updates ko lately.
Add me on fb : KHIRA WP
Read before you vote. Enjoy reading!
-
ANNE POV
Nanghina ako ng sobra nang kalasin niya ang kamay ko sa pagkakahawak sa kanyang braso. Pinigilan kong maiyak sa inasta niya. Kahit naglalakad na siya palayo sa akin ay hindi ko magawang hiwalayan siya ng tingin. Hindi ko kayang lumayo. Sinundan ko pa rin siya at hinabol ngunit hindi ko na masambit ang pangalan niya dahil baka makakuha ako ng atensyon.
Tahimik ko siyang sinundan kahit pinapatay ako sa loob. Sobrang lakas ng tibok ng puso ko at halos manikip na ang dibdib ko sa mga nangyayari. Hindi ko inaasahang ganito ang magiging reaksyon niya. We used to be fine! It's hard for me to accept that he changed his mind in just a span of few days. Hindi siya ganito. Makes me think that there was a deeper reason why he's treating me this way and I want to know it. Pero paano ko malalaman iyon kung sa tuwing lalapit ako sa kanya ay lalayo siya?
Katangahan na 'tong ginagawa ko pero wala akong pakialam. Ginagawa ko 'to dahil gusto kong makahanap ng sapat na dahilan kung bakit niya 'to ginagawa. Mahal ko siya at pinanghahawakan ko yung mga pangako niya. Kahit sobrang sakit na, patuloy akong umaasa.
Gusto kong lumaban kahit para sa sarili ko na lang. Hindi ako makasariling tao pero isasantabi ko iyon ngayon. Selfish na kun selfish pero ganito ako magmahal. He is my first love and I want him to be my last. I want to have a forever with him. Isa pa, nangako siya. Nangako siya. . .
Siya lang ang minahal ko kaya hindi ko matanggap na kung kailan determinado akong lumaban para sa aming dalawa, bigla naman siyang kumalas at nakipaghiwalay ng walang binibigay na dahilan.
Nasa room na kami pero hindi niya pa rin ako nililingon. I tried really hard to act normal kahit parang magbabagsakan na naman ang mga luha ko.
Wala akong malapitan. Oh, God. How can I survive this kind of pain? Hindi ba pwedeng sa isang iglap ay magkaayos kami para mawala na yung sakit? Mahirap pa na sa ganitong sitwasyon ay wala akong malapitan.
Nakayuko lang ako buong klase. Paminsan-minsan kong si Cyfer. Hindi niya ako nililingon. All this time, nakatingin lang siya sa bintana at mukhang hindi rin nakikinig sa dinidiscuss ng adviser namin.
Anong gagawin ko? Magmamakaawa na ba ako sa kanya? Napapikit ako sa aking naisip. Iyon na ang last choice ko.
Napatingin ako sa gilid ko. Nakita ko si Heira at Luke na nag-uusap.
Heira. . .Oh, my gosh! She knows our secret. Maybe, I can ask her a little favor. Siya lang ang malalapitan ko. There was also Ren but I don't want to push my luck. Baka mag-away lang sila at ayokong mangyari iyon.
Hinintay kong mag-breaktime. Nakakainip ang bawat tagaktak ng oras. It makes me want to scream the word 'stop' and freeze the time. Pero wala akong magic para gawin iyon. All I can do is be patient and wait for the right time. . .