HTLAB - Chapter 35

46.4K 617 56
                                    

 

ANNE POV

"I miss you, Mom." mahigpit kong niyakap si Mommy nang makalapit sila ni Dad sa amin ni Rhea. Bumaling ako kay Daddy at sinugod ko rin ito ng yakap. "Dad. . ."

Marahang natawa si Daddy at hinalikan ako sa noo. "We missed you, pumpkin."

"Welcome back, Tito Dan and Tita Anna." yumakap rin si Rhea sa mga magulang ko. Sinama ko siya dahil hindi na siya iba sa amin at gusto rin niya makita ulit ang mga magulang ko.

"Hi, Rhei. How's your father?" tanong ni Daddy kay Rhea.

"He's busy nowadays. May bago pong negosyo si Dad." sagot naman nito.

"Really? What kind of business?" interesadong tanong ni Daddy. And there, Rhea end up telling Dad about her father's new business. Hinayaan ko silang mag-usap ni Dad. Nilingon ko si Mommy na nakatingin sa akin habang nakangiti. I smiled back. Marahan niyang hinaplos ang ulo ko.

"You are blooming. . ." iyon agad ang napuna ni Mommy sa akin. Namula ako. Natawa si Mommy sa naging reaksyon ko. "and blushing." dagdag pa nito.

"It must be the heat, Mommy." umiwas ako ng tingin. God. I can't believe na may napansin agad na kakaiba sa akin si Mommy. Kinuha ng mga driver ang mga bagahe nila Daddy at Mommy. Sabay-sabay kaming pumasok sa Hummer. Ilang sandali pa ay nasa byahe na kami.

"How's your exam? Madali lang ba?" tanong muli ni Dad na nasa passenger seat. Kaming mga babae ay nasa likod. Ako ang nasa gitna at nasa left side ko si Mommy. Si Rhea ang nasa kanan.

"Okay lang po." magkasabay naming sagot ni Rhea. Napangisi naman kaming pareho.

"Hindi naman po masyadong mahirap ang lessons ng first quarter." dagdag ko.

"Mahirap kaya! Magaling ka lang talaga kaya hindi tingin mo madali lang." napapailing na sagot ni Rhea.

Marahang natawa si Mommy. "Last day of exam niyo na ba?"

"Meron pa po bukas. Trigo at Physics." napangiwi si Rhea. "Err. I hate those major subjects. Formula here. Formula there. Formula everywhere!" reklamo nito.

"But I love Physics!" protesta ko. Rhea rolled her eyes upward.

"Yeah right!"

Nagbangon ng ibang topics si Mommy. She keeps on throwing questions like 'Do we enjoy the first grading' , 'how's our new teacher' , 'how's the feeling of being a senior student' and a few more questions related about school. Malapit na ang PTC. A week after periodical examination gaganapin iyon. Buti na lang at napaaga ang uwi nila Mommy para maka-attend sila sa PTC.

Paminsan-minsan ay sumisingit si Daddy sa usapan. He's more interested on what I've been doing for the past months na wala sila ni Mommy. Unti-unti ang pagbangon ng kaba na baka maungkat ang nangyari nung na-grounded ako.

How To Love A Bastard ?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon