HTLAB - Chapter 36

45.6K 606 48
                                    


ANNE POV


Ginugol ko ang sumunod na tatlong araw sa piling mga magulang ko. Nagbobonding kami at namamasyal sa kung saan-saan. Mostly, sa mga high class hotel rito sa bansa. Treat daw nila sa akin dahil katatapos lamang ng exam. Lumipas ang weekend na hindi kami pumirmi sa bahay. Marahil ay gusto nilang bumawi sa akin.


Hindi ako nakapasok ngayong monday dahil hindi pa kami nakakauwi hanggang ngayon. Na-extend ang pag-stay namin sa hotel dahil maraming gustong pasyalan si Mommy. Ayoko namang sirain ang bonding time namin kaya hinayaan ko na lamang sila. Malamang ay hindi rin ako makapasok bukas.


Nandito ako sa balcony. Sinasamyo ang malamig na hangin ngayong gabi. Relaxing sa pakiramdam. Nasa 54th floor ang room ko kaya naman kitang-kita ko ang nagagandahang ilaw ng siyudad. Ikinatuwa ko ang pagmamasid mula rito sa taas.


Napangiti ako. Simula ng mapadalas ang pagkikita namin ni Cyfer sa rooftop ng academy, nakahiligan ko ang ganitong gawain. Yung makikita mo ang kabubuan ng lugar kasabay ng pagdampi ng mabining hangin sa balat ko. Masarap sa pakiramdam. Naaalala ko si Cyfer. . .


Bigla akong nakaramdam ng lungkot. Sana kasama ko siya ngayon. Namimiss ko na siya. Naalala ko nung pumunta kami sa 100th floor tower. Alam kong magugustuhan niya rin ang lugar na 'to. Napansin ko kasi na hilig niyang pumunta sa matataas na lugar.


Gusto ko siyang mahawakan at mayakap. Guso kong maramdaman ang presensya niya. Napabuntong hininga ako. Alam kong malabo iyon sa pagkakataong ito dahil malayo ako sa kanya.


Napatitig ako sa phone ko. Busy siya ngayon. Nasabi niya sa akin na may gig ang banda nila. Natutuwa ako para sa kanya. Tingin ko ay hilig niya talaga ang musika. Nung una at huling pagkakataon na nakita ko siyang mag-perform sa stage, na-inlove akong lalo sa boses niya. Sana makita ko ulit siyang tumugtog at kumanta sa stage.


Pumikit ako at dinama ang malamig na hanging tumatama sa aking mukha.


Bukas pa ang uwi namin nila Dad. Mukhang nag-eenjoy pa kasi sila ni Mommy sa hotel na 'to. Sabagay, maganda rito. Maliban sa mapang-akit na view, marami pa silang in-o-offer. Ngayon lang kami nakapunta rito kaya marahil ay sinusulit ng mga magulang ko ang libreng oras nila. Inaya nila akong sumama sa kanila pero mas pinili kong magpahinga na lamang. Idinahilan ko na biglang sumakit ang ulo ko pero ang totoo ay wala lang ako sa mood pumasyal ngayong araw. Mas gusto kong manatili rito sa kwarto at magbasa ng libro.


Napadilat ako nang tumunog ang phone ko. Tumatawag si Rhea. Sinagot ko 'yon.


"Hello. . ."


"Hey, bestfriend! Nanibago ako kanina sa room. Wala ka." bungad niya sa akin at may himig ng pagtatampo sa boses. Hindi ko maiwasang mapangiti. Nai-imagine ko si Rhea na nakabusangot habang kinakausap niya ako sa phone.


"Babalik na kami bukas ng hapon." tugon ko. Naglakad ako papasok sa kwarto at isinara ang glass door ng veranda.


"What? Eh di hindi ka na naman makakapasok bukas?" bulalas nito sa kabilang linya.


How To Love A Bastard ?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon