CYFER POV
"Why here?" tiim bagang na tanong ko sa abogado. Tinapunan ko siya ng matalim na tingin dahil sa inis. Kung bakit naman kasi dito siya nakipagkita. Maaari naman siyang pumunta sa bahay ko para doon na lamang kami makapag-usap.
Nasa dulong bahagi kami ng chinese restaurant . Maraming tao rito sa loob ngunit ang maririnig lamang ay ang jazz music na pumapailanlang sa paligid. Kahit bakante ang mga table sa gilid at likuran namin ay hindi pa rin ako mapakali. I prefer to talk with him in private. Hindi sa ganitong klaseng lugar. Kahit pa nga ba elegante ang lugar na ito, mas gugustuhin kong makipag-usap nang walang tao sa paligid. Lalo na't importante at pribado ang kailangan naming pag-diskusyunan.
Tumingin muli ako sa paligid. Pakiramdam ko talaga ay may nakamasid sa akin. Napabuntong hininga na lamang ako nang makitang wala namang kahina-hinalang galaw sa paligid.
Inilipat kong muli ang aking atensyon sa kaharap. Nakamasid siya sa akin.
Paglipas ng ilang segundo ay saka lamang siya nagsalita.
"Ipagpaumanhin mo sana na dito na lamang ako makikipag-usap sayo. Wala na akong oras para pumunta pa sa bahay mo. I have a flight to catch pagtapos nito. Malayo ang byahe mula sa bahay mo papuntang airport. I only have an hour and a half left." iniabot niya ang menu sa akin. "Wanna order first?"
Marahan akong umiling para tanggihan ang inaalok niya. "I have an early dinner."
Huminga ng malalim ang matanda. Inilapag na lamang muli ang menu at hindi na ako pinilit. Umayos ng upo at tinignan ako ng matiim. Naging seryoso ang kanyang aura. "Have you decided? Dala ko na ang mga dokumentong pipirmahan mo."
Tumiim ang bagang ko. "Paano ka naman nakasisigurong pipirma ako?"
Natigilan ang abogado ng ilang sandali. Pagtapos ay kumunot ang noo. "Tatanggihan mo pa rin ba?"
Hindi ako sumagot. Hanggang ngayon ay hindi malinaw ang desisyon ko. Ang nais ko ay konti pang panahon ngunit sa itsura ng abogado ay mukhang naiinip na ito at hindi na ako mapagbibigyan.
There's a part of me wanting to accept it. For the sake of my father's will. Para kahit man lamang sa huling habilin ay mapaluguran ko siya. Iyon man lamang ang magawa ko para mabawi ang lahat ng kasalanan ko sa kanya bilang anak. At para hindi rin isipin ni Atty. Delgado na binigo ko si Daddy.
Naisip ko na kaya iniwan at ipinauubaya ni Daddy sa akin ang lahat ng ito ay dahil dito lamang niya mababawi ang mga pagkukulang niya.
That's unacceptable. The damage has been done. Kahit gaano pa siya kayaman, hindi no'n mapupunan lahat ng naging pagkukulang niya.
At ako, kahit tanggapin ko ang pagkukulang niya, hindi na mawawala ang sakit at pait na naramdaman ni Daddy nang tanggihan kong maging De Vera. It's too late. Maraming nasira at nasalanta. Kahit ano pa ang gawin ko ay hindi ko na maayos pa ito at maibabalik sa dati.