HTLAB2 - Chapter 32

35K 653 25
                                    

HTLAB2 - Chapter 32

MATURE CONTENT. lol. Dahil alam kong may mga teenager na nagbabasa at may mga maselang readers, magpapaalala ako. Pikit mata na lang na magbasa. Hehe. Lovelots!

-

Best gift

-

"Picture Taking na po, Sir." Singit ng organizer nang matapos na ang seremonyas ng pari. Nagpapalakpakan na ang mga bisita namin. Nilingon ko si Anne na nagpupunas ng kanyang mata. Mula sa pagkakahawak ng kanyang kamay ay lumipat ang ang kamay ko sa baywang niya sabay ng marahang paghalik sa kanyang noo.

"Time to capture this moment, wife." Dahan-dahan siyang tumayo. Sabay kaming bumaba at tumawid sa platform para harapin ang mga gustong bumati sa amin.

Huminga ako ng malalim nang makalapit sa kanila. Unang lumapit sa akin ay si Xandrei. Tinapik niya ang aking balikat.

"Congratulations, brother."

Sunod na lumapit ay si Heira. Mahigpit niya akong niyakap kasabay ng pagtapik sa aking likod. "Congrats! Your dream finally came true! It's worth the long wait, huh?" Kumawala siya at nginitian ako. "Grabe. Hindi ako ang bride pero nakakaiyak yung vow na 'yon, Gelo. Masaya ako para sa inyo."

"Thank you." Sincere kong sabi sa mag-asawa. Agad na hinanap ng aking mata si Anne. Nakita ko siyang yakap ng kanyang ama. Sa likod niya ay si Anna Martin na hindi pa rin tumitigil sa pag-iyak. I wonder if it was because of joy or sorrow. Masyado ba silang masaya para sa kanilang nag-iisang anak o hindi pa rin nila kayang pakawalan si Anne. But I'm glad that they didn't stop our wedding. Hinayaan nila kami. Sa wakas. Doon palang ay abot langit na ang pasasalamat ko.

Nakita ko ang marahang pagtawa ni Anne habang kinakausap ang kanyang mga magulang. I can't take my eyes off of her. Punung-puno ng emosyon ang dibdib ko at nag-uumapaw ito sa saya. I'll cherish this girl 'til the end of my days. Sana ay mahaba pa ang buhay naming pareho. I want to grow old with her. Papatunayan ko sa kanya na hindi lang 'to pangmatagalang panahon kundi pang-habambuhay.

Huminga muli ako ng malalim. Nahihirapan akong huminga ng maayos dahil sa sobra-sobrang emosyon. Lumapit ako kay Anne. Agad niyang hinawakan ang kamay ko sa harap ng magulang niya. Ngumiti ako sa kanila. Nag-iwas ng tingin ang kanyang ama pero agad na lumapit sa akin si Anna Martin para yumakap.

"Take care of our only girl." Bulong niya sa akin.

"Yes , ma'am." Muli akong napatingin kay Daniel Martin. He's still giving me a cold treatment. I understand. Hindi marahil madali para sa kanya na ganito kabilis ang mangyayari. Hindi rin naman ako umasang madali niyang matatanggap ito. Sapat na sa akin na dumalo siya at na-witness ang kasal namin ng kanilang anak. I want their approval and I considered this already as a blessing.

Isa-isa naming dinaluhan ang mga bisitang gustong bumati. Hinanap ko si Xandie pero mukhang hindi pa rin siya nakakarating.

"Sir." Lumapit sa akin ang isang katulong. "Cellphone niyo po. Kanina pa ho tumutunog."

"Oh, thank you." Kinuha ko 'yon at tinignan ang screen. Nilingon ako ni Anne.

"Who's calling?"

"Si Ate." Sinagot ko ang tawag. Hindi pa ako nakakapagsalita ay halos mabingi na ang tainga ko sa boses ni Ate sa kabilang linya.

"Gelo! Ang tagal mo namang sagutin! Ano? Kasal na ba kayo? Anong nangyari? Dumating ba ang parents ni Anne? Pinigilan ba kayo? Speak up-"

"So ,annoying." Sabi ko sabay ng pag-iling. Natawa naman si Anne sa sinabi ko.

"Anong 'annoying' ka diyan? Sinong 'annoying?' Yung parents ba ni Anne? Pinigilan ba kayo? Magkwento ka nga!"

"Ikaw." Tipid kong sagot.

How To Love A Bastard ?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon