HTLAB - Chapter 10

70K 1.4K 177
                                    

ANNE POV

Pagpasok ko sa classroom,agad hinanap ng mga mata ko si Cy. He was there. Nakayupyop sa desk niya. Pumasok ako na parang wala lang. May mga bumati sa akin at sinusuklian ko sila ng ngiti pero ang totoo ay iisang tao lamang ang nasa isip ko. Nang makaupo na ako sa tabi niya, pasimple ko siyang tinignan. He was sleeping. Si Cy talaga. . .

Ilang araw na ang nakalipas matapos niya akong dalhin sa lugar na pagmamay-ari niya. Mag-iisang linggo na din. I missed the place. I hope dalhin niya akong muli sa lugar na iyon.

Ilang araw na kaming hindi nag-uusap. . .ng personal. Dinadaan-daanan niya lamang ako dito sa school katulad ng ginagawa niya dati. Para magmukhang normal pa rin ang luhat. Aaminin kong nahihirapan ako sa ganitong set-up. Iniisip ko na lamang na para sa aming dalawa naman ito. Hindi kami makakuha ng tyempo para makapag-usap ng patago. Lagi kong kasama si Rei. Ito naman kasing bestfriend ko todo maghinala. Dahil daw sa mga 'weird acts' ko, napaparanoid din daw siya. Feeling niya daw may tinatago ako. Feeling niya daw lumalayo ako sa kanya. At feeling niya daw in-love ako at ayaw kong aminin iyon sa kanya. Kaya ito ang nangyari, para siyang aso na nakabuntot lagi sa akin. Nakakainis man, nakakaramdam din ako ng konting guilt dahil lahat ng instincts niya ay totoo ngunit hindi ko iyon maamin sa kanya kahit pa matalik ko siyang kaibigan. Ilang beses na niya akong tinanong kung meron daw ba akong boyfriend pero lagi ko namang ide-deny.

Kung tutuusin, wala naman talaga. Hindi ako nagsinungaling sa bahaging iyon. Hindi ko alam kung anong estado ng relasyon namin ni Cyfer. Hindi kami nagpapansinan dito sa academy pero pagdating ko sa bahay agad niya akong tatawagan para humingi ng sorry dahil hindi kami nakakapag-usap. He didn't want to take a risk. Wala akong ideya kung bakit gusto niyang itago ang namamagitan sa amin pero sumasang-ayon din ako. Siguro dahil sa reputasyon niya. Hindi ko alam. Sa ngayon, ang mahalaga ay ang nararamdaman naming dalawa. Lagi kaming magkatawagan kung di man magkatext. As long as may communication kami, ayos lang sa akin.

Pero mahirap pa din ang gantong sitwasyon. Katabi ko lang ang kinauupuan niya, lagi kaming nagkakatinginan pero ang mga tinging ibinibigay niya sa akin ay hindi katulad nung kaming dalawa lamang ang magkasama - it was a blank , bored and cold stare. He was wearing his normal expression. Bumalik siya sa pagiging misteryoso,tahimik at mailap. Natatakot nga ako na baka hindi na naman niya ako pansinin. Na baka magtuloy-tuloy na ang pag-iwas niya sa akin. Kung hindi ko lang siya nakakausap sa phone, mag-aalala ako ng sobra.

Nakita kong nag-inat siya. Mabuti naman at gising na siya. Kapag naabutan pa siya ng adviser namin na natutulog, baka palabasin na naman siya.

Umakto ako na wala akong pake. Susulyapan ko siya at sobrang sandali lang. Hindi na nasa-satisfy ang mata ko. Pinipigilan ko ang sarili ko na titigan siya ng matagal dahil baka may makahalata sa akin. Normal lang.

Pero yung puso ko ayaw maging normal. Nakailang buntong-hininga na ako para pakalmahin ang tibok ng puso ko. Hays. Iba talaga ang pakiramdam kapag nasa tabi mo lang ang mahal mo.

Ilang sandali pa ay pumasok na din ang adviser namin.

"class,we'll have a quiz."

Umungol ang buong klase, syempre maliban kay Cyfer na mukhang bored na bored. Nagreklamo ang iba naming kaklase pero itinuloy pa din ni Ma'am Gomez ang quiz.

How To Love A Bastard ?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon