HTLAB - Chapter 38

41.9K 578 89
                                    

CYFER POV


Tinanghali na naman ako ng gising. Masyado kasi kaming ginabi ni Joey at Rush sa panghuling gig namin kagabi. Humihikab pa ako habang naglalakad sa hallway. Pinag-iisipan ko kung papasukan ko pa ang first subject ko.


Nagpasya akong magpalate na lang. Kinuha ko ang cellphone ko at tinext si Anne.


Me : Girlfriend, can't take the first sub. Late na naman ako. Sorry.


Sent.


Inilagay kong muli sa aking bulsa ang cellphone ko. Akmang maglalakad ulit ako nang biglang may bumangga sa akin. Muntik na akong matumba. Napamura ako ng mahina. Marahas akong lumingon. Nakita ko ang bagong estudyante na nakaupo sa sahig. Mukhang natumba siya. Nakasabog ang mga gamit niya sa lapag. Umusbong ang inis ko. Hindi ba niya nakitang may tao sa harap niya? Ang tanga!


"Walang silbi 'yang mata mo. Hindi mo naman kasi ginagamit." naiirita kong sabi.


Napatingala siya sa akin at nabigla pa ata nang ma-realize na ako ang nabangga niya.


"S-sorry." mahinang sabi naman niya.



"Anong silbi ng sorry mo, eh nabangga mo na ako?" masungit kong tugon.


"Kaya nga nag-so-sorry ako sayo ngayon kasi nabangga kita." kunot noo siyang tumitig sa akin.


"Hindi ka sana nagso-sorry ngayon kung hindi ka tatanga-tanga."


Naningkit ang mga mata niya. "Sorry ha! Sorry kung tanga ako. Sorry talaga." may halong sarkasmo ang pagkakasabi niya na mas lalong nagpainit sa ulo ko.


No one. No one dares to talk to me in that manner.


Dinampot niya ang kanyang mga gamit na nagkalat sa sahig. Hindi ko siya tinulungan. Manigas siya. Kasalanan niya 'yan. Siya ang bumangga sa akin kaya dapat lang 'yan sa kanya. Narinig ko ang marahas na pagbuntong hininga niya sabay baling muli sa akin. "Salamat ,ha? Salamat talaga. Ang dami mong natulong. Grabe!"


Hirap siyang tumayo. Inirapan ako sabay talikod. Paika-ika siyang naglakad palayo. Napailing na lamang ako.


May inuusal siya na hindi ko masyadong naiintindihan kaya sumabat akong muli.


"Hindi ka lang tanga, baliw ka pa. Kinakausap mo ang sarili mo?" sarcastic rin ang pagkakasabi ko sa kanya.


"Ano naman sayo? Saka sinusundan mo ba ako?" tinaasan niya ako ng kilay.


Woah. Sinusundan? Tss. "Asa ka naman. Ito ang daan papuntang elevator."


Nauna akong pumasok sa elevator. Nakita kong napapangiwi siya sa tuwing ihahakbang niya ang paa niya. Nakaramdam ako ng konting guilt. Yeah, konti lang. Tinanong ko ang sarili ko kung kailan pa ako natutong mangialam sa iba?

How To Love A Bastard ?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon