-
Craving
-
"Saan kayo nagpakasal ni Ram?"
"Las Vegas."
"Bakit do'n?"
"That time, she was running away from the people who hurt her. From Morris and her family. Umalis siya ng bansa tapos sinundan ko siya. Doon din namin nalaman na lumalala na ang sakit niya."
Natahimik ako. Kanina pa ako tanong ng tanong tungkol sa kanilang dalawa ni Ram. Buti nga at hindi siya naririndi sa mga tanong ko
We're lying on my bed. Don't think otherwise. Walang nangyari. We just cuddle and kiss. Isa pa, gusto kong matapos itong mga tanong na gumugulo sa isip ko. Kumonti na iyon dahil sa paliwanag ni Ram.
"Paano na si Ram?"
Nagbuntong hininga si Cy. Hinalikan niya ang noo ko. "Gusto ko siyang gumaling, Anne, but Ram is stubborn. Ayaw niya na makinig sa akin. Gusto niyang dito lang. Nagsasawa na raw siya sa pagpapagamot, sa mga treatments, therapy. Gagastos lang daw ng malaki." tumingin siya sa akin. "I don't mind spending my money for her health. I honestly want her to overcome her illness. Pinipilit ko pa rin siya pero . . ." umiling na lang si Cy.
Nakauunawa akong tumango. "I-I'll offer some help, Cy. Hangga't kaya kong ibigay."
Ngumiti siya at marahang hinaplos ang pisngi. "She's good woman, Anne. She deserves to live spite and despite of our circumstance. She thinks she can't make it, slowly giving up. Kung hindi lang dahil kay Kris, baka dati pa siya bumigay."
Hindi ko gustong isatinig ang awa ko sa mag-ina. Ayokong dagdagan yung burden kay Cyfer pero totoong na kay Ram ang simpatya ko. Cy is right. Ram deserves to live.
"Morris. . ."
Cy became stiff. Naramdaman ko ang tensyon mula sa kanya. Huminga siya ng malalim. Sinubsob niya ang ulo ko sa dibdib niya. I enhale his manly scent.
"He's forever jealous of me. Hindi na siya nakaahon sa inggit at galit niya sa akin. Ang dami niyang dinamay at hindi ko matanggap na pati si Ram na walang kaalam-alam sa galit niya sa akin ay nagawa niyang saktan ng gano'n."
Marahan kong hinaplos ang braso niya. "You see, inayos ko ang buhay ko para may mukha akong ihaharap sayo at sa pamilya mo. Hindi ko nasabi sayo ang tungkol sa mga kapatid ko kay Dad, ang mga De Vera. They are good people and they gave me a second life. Sila ang tumulong sa akin nung panahon na walang wala ako. Five years ago, nagkaayos kami ni Mommy. I ran my uncle's business. Pinamana niya sa akin ang mga negosyo niya bago siya mamatay. Tinutulungan ko yung kapatid ko who's Heira's husband, sa pagma-manage ng DVI. Then, I built my own business-"
"Sounds like you're a filthy rich man, huh." pabiro kong sabi.