HTLAB - Chapter 26

54.4K 690 30
                                    

CYFER POV

Lumipas ang isang linggo at wala akong naging problema. Normal na araw. Sa umaga ay papasok ako at sa gabi ay pupunta sa Rioza para magtrabaho. Ang huling araw ko roon ay kahapon. Tapos na ang kontrata ko. Tinanggihan ko ang manager ng resto-bar nang alukin niya akong mag-renew. Dinahilan ko na lamang na kailangan kong mag-focus sa pag-aaral ko which is true. Naging abala ang lahat ng estudyante dahil sunod-sunod ang mga activities na ginanap sa academy.

Tungkol naman sa amin ni Anne, masasabi kong mas okay kami kaysa noong nakaraang linggo. Hindi na kami nag-uusap dito sa school pero nagagawa na naming umalis kapag tapos ang klase namin. Every weekeend, nasa bahay lamang kami. Nagkukwentuhan tungkol sa kung anu-ano. Nasabi niya sa akin na may pinagkakaabalahan si Rhea ngunit hindi niya alam kung ano. Kaya naging mas malaya kaming makapagkita.

Nakakasalubong ko pa rin si Ren Delgado. Nararamdaman ko pa rin ang tensyon sa pagitan namin ngunit hindi na kasing tindi nung una.

Nilalagpasan lamang namin ang isa't-isa sa tuwing magkakasalubong kami. Hindi niya ako kinomprontang muli. Wala akong ideya sa kung ano ang iniisip niya. Sa tingin ko ay hindi pa rin niya alam ang koneksyon ko sa mga De Vera.

Tungkol naman sa usapan namin ni Atty. Loren Delgado, napagdesisyunan ko na ang lahat. I've already signed the papers. Ang hinihintay ko na lamang ay ang pagbabalik ng abogado mula sa Spain. I recieved a call from him two days ago. Bukas na ang balik niya. Hindi ko pa nasasabi sa kanya na napirmahan ko na ang mga dokumento dahil hindi naman siya nagtatanong. Marahil ay ayaw guluhin ang pag-iisip ko o kaya naman ay sigurado na siya na hindi ko matatanggihan pa ito.

Kung mayroon man akong kinatatakutang mangyari ngayon at sa susunod na mga araw ay ang paglitaw ng kapatid ko.

Hanggang ngayon ay hindi matanggal ang pangamba sa dibdib ko dahil malakas ang kutob ko na isa sa mga araw na ito ay magpapakita siyang muli sa akin.

Siguro ay masyado lamang akong paranoid para isipin iyon.

You can't blame me. Hindi maganda ang naging karanasan ko kay Morris. Simula pagkabata ay lagi siyang nakikipagkumpetensiya sa akin. Pinapamukha niya sa akin na wala akong kwenta. Ang gusto niya ay siya lagi ang tama, ang magaling. Gusto niya na nasa kanya lamang ang atensyon ng lahat. Ayaw niya ng may kaagaw lalo na kapag ako ang magiging karibal niya sa agawan. He did everything para mahalin siya ng lahat. Kahit magsinungaling at magpakitang tao ay gagawin niya basta makakuha ng atensyon. Sinisiguro niya na walang matitira para sa akin. Na matatabunan niya ako sa lahat ng achievements niya. Maraming beses niya akong pinahiya. Ilang beses niya akong tinapak-tapakan. Nang dumating sa punto na lumaban ako, hindi niya iyon nagustuhan. Pinabugbog niya ako sa mga kabarkada niya na halos ikamatay ko pa.

Sa madaling salita, hindi ko naramdaman na kapatid ko si Morris.

I tried to be close to him noong bata pa ako. Lumalapit ako sa kanya ngunit tinataboy niya lamang ako. Noon pa man ay galit na siya sa akin.

Hindi ko alam kung anong pinagmulan ng galit na iyon.

Well, I knew only one reason. Tito Steven likes me more than him.

How To Love A Bastard ?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon