HTLAB2 - Chapter 34

30.4K 609 21
                                    


-

Warned

-

Madaling araw na pero hindi pa rin ako makatulog. My wife is already asleep. Dahan-dahan akong lumabas ng kwarto para hindi siya maistorbo sa pagtulog. Tinungo ko ang sala at do'n muna nanatili. Nilingon ko ang mga regalo nung araw ng kasal namin na hanggang ngayon ay hindi pa rin namin nabubuksan. I don't know kung mabubuksan namin 'yon bukas. Aalis ulit kami ni Anne.

I ordered my secretary to arranged my flight to Cebu immediately. Ipinaayos ko rin ang kay Anne para agad kaming makaalis bukas at wala ng poproblemahin pa.

Bukod sa gusto kong mabisita ang libingan ni Ram, I also want to talk to her parents and visit Kris. Pinag-iisipan ko kung pwede kong legal na ampunin ang bata, due to Ram's wishes, if the Gutierrez family permits. Pero kung hindi, wala akong karapatang magpumilit. Kung ano man ang magiging desisyon ng mga Gutierrez, I'll respect it.

Huminga ako ng malalim. Sumandal sa sofa at tumingin sa kisame. Hindi pa rin ako makapaniwala. Sa loob-loob ko ay hindi ko pa rin matanggap. Ram died two days after my wedding. Ilang araw palang ang lumipas no'n matapos kong umalis ng Cebu. Less than a week. Pumikit ako ng mariin.

I'd expected her to fight for the remaining reasons left why she have to live. There was Kris. Kailangan siya ng kanyang anak. There was her family. Hindi pa halos siya nakakatagal sa Cebu. Pitong taong mahigit niyang hindi nakasama ang kanyang mga magulang. Napakatagal na panahon no'n pero napakaikli lang ng nabawi niya. And there was the happy ending that she hopes to have. Umasam rin ako na makukuha niya ang nararapat na sa kanya. Nakakapanghinayang na ro'n nagtapos ang buhay niya.

But at least, she died at peace. Siguro ay naramdaman niya na ang oras niya. Natatandaan ko pa yung araw na sinabi niya sa aking gusto niyang bumalik ng Cebu. Doon palang siguro ay may senyales na. Hindi niya lang isinatinig sa akin. She didn't want to delay what is fated to happen. At ang kaisipan na gusto niyang wala ako sa tabi niya para hindi ko makita ang paghihirap niya ay nagbibigay ng sakit sa damdamin ko.

Dumilat ako at nagbuntong hininga ulit. Remembering her brings an unusual kind of pain inside me. I felt it once. Napakatagal na panahon na ang lumipas. Nung nalaman ko na wala na ang ama ko at wala man lang akong nagawang mabuti. Hindi ko man lang ito nagawang patawarin kahit sa huling sandali. Nagsisi ako. Parang gano'n rin ang nararamdaman ko ngayon, idagdag ang panghihinayang. Dahil ro'n ay nababagabag ang loob ko.

"Cy. . ." Sumilip si Anne sa sala. Halatang naputol ang kanyang tulog. Naniningkit pa ang mata niya sa antok. Ngumiti ako sa kanya. Lumapit siya sa akin at umupo sa tabi ko. Agad siyang yumakap. I gather her in my arms. "I woke up without you. Hindi ka ba makatulog?"

Huminga ako ng malalim at sumiksik sa leeg niya. Hindi ko magawang sumagot. Hinaplos niya ng marahan ang dibdib ko.

"You're still thinking about Ram?" She asked softly. She knows. Of course, she would know.

Napabuntong hininga akong muli. "At this moment, it's hard to stop myself from thinking."

Sandaling katahimikan ang paumailanlang bago siya nagsalitang muli.

"You loved her, didn't you?"

Napaangat ako ng tingin. Hindi inaasahang iyon ang sasabihin niya. Nakangiti si Anne sa akin na parang normal lang ang kanyang sinabi. Sinuklay niya ang buhok na medyo tumatabon sa aking mga mata.

"I won't get mad if you're going to admit that once if your life, your love for her was beyond friendship and sympathy." Marahan niyang sabi. "Ram became special to you. You must've loved her as same as the intensity of love for me or more."

How To Love A Bastard ?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon