HTLAB2 - Chapter 24

33.4K 807 71
                                    


-

Begin Again

-

I woke up with a heavy feeling. Gising na ang diwa ko pero nanatili akong nakapikit ng ilang minuto. Nang buksan ko ang mga mata ko ay nakita medyo madilim pa. Wala pang liwanag sa kurtina. Napatingin ako sa orasan. 6:01.

Bumangon ako at sumandal muna sa headboard ng kama. Napatulala ng ilang sandali sa kisame.

Now, what? Pagtapos nito, ano na ang gagawin ko?

Mariin akong pumikit at huminga ng malalim. I should give myself a break. My mind couldn't function properly because it was already full of certain and uncertain thoughts. Stressing myself to the hilt might take the little sanity left in me. I should relax for awhile and forget the what had just happened last night.

But how can I be stress free?

Nasa gano'ng pag-iisip ako nang bumukas ang pintuan at pumasok si Cy. Tumaas ang kanyang kilay nang makitang gising na ako. Then, he smiled. A warm smile, full of affection and tenderness, which I missed so much.

"You're awake. Akala ko bukas ka na magigising." Sabi niya sa akin habang papalapit.

Kumunot ang noo ko. Hindi ba't umaga na ngayon? "I woke up early. Six palang." Tinuro ko ang orasan at pagtapos ay marahan siyang natawa.

"It's not six in the morning, angel." Nanlaki ang mata ko.

"G-gabi na?" Kaya pala wala man lang liwanag sa bintana dahil papagabi na! In my mind, I started counting how many hours I had slept.

Tumango siya. Marahan niyang hinila ang kamay ko at napatayo ako mula sa kama. He's grinning from ear to ear. I had seen an image of him as a boy who just got his favorite toy. I pout.

"Hindi mo ako ginising."

"Why would I?" Hinalikan niya ang aking noo. "You can rest all day , angel, and I won't mind having you in my bed day and night." Sabi niya ng pabiro. But I know, he's pretty serious about it.

Yumakap ako sa leeg niya. The comfort his arms can give sets my mind at peace. Humigpit rin ang kanyang brasong nakapulupot sa katawan ko.

Hindi niya ako pinaulanan ng tanong kagabi . Nang marating namin ang bahay niya ay sobrang bigat pa rin ng pakiramdam ko. He was just there, cuddling me. Doing his best to comfort me in every sweet way he can. He didn't even stop me from crying.

"Cry all you want. I'll be your human hanky for tonight." That was what he said last night. I wasn't sure if he meant it as a joke to ease the heavy atmosphere or a serious offer to make me feel lighter. Yet , I found myself buying it. Kaya kagabi, wala akong magawa kundi ang umiyak sa dibdib niya. Nilabas ko lahat ng luha na dapat kong ilabas. He didn't utter a word. Hinahaplos niya lang ang likod ko sabay ng mariing halik sa aking noo.

Hindi ko alam kung paano niya nagagawa 'yon. Ang mapanatag ang loob ko kahit hindi ko alam kung ano ang susunod na mangyayari.

Hanggang sa nakatulugan ko ang pag-iyak, alam kong nakabalot pa rin ako sa yakap niya.

"Wanna go somewhere?" Tanong niya. Sandali akong kumalas.

"Saan?"

He shrugged his shoulder. "Kahit saan."

Gusto kong um-oo pero nang maalala kong kagagaling lang namin sa aksidente ay nagdalawang-isip ako.

"I don't think it's a good idea. Magagabi na. And we just had an accident, Cy." May trauma na hatid ang pangyayaring 'yon sa akin. Hindi na ako masyadong kampante sa labas ng bahay. Wala akong balita kung nahuli na ba ang mga suspects kaya ayokong isugal ang kaligtasan naming pareho.

How To Love A Bastard ?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon