-
Stop
-
"W-what did you say?" Literal akong napanganga sa sinabi niya. Hindi makapaniwala sa gusto niyang mangyari. I hope I misheard it. I hope he didn't mean it. No. Hindi pwede. Is he going crazy? He wants me to face his wife and talk to her.
Huminga siya ng malalim. "We'll talk to Ram. I'll tell her-"
"No." mariin kong sabi sabay iling. "Look, Cy-"
"She needs to know-"
"She doesn't need to know." pinipigilan kong sumigaw kahit nagsisimula ng mag-alab ang galit ko sa gustong mangyari ni Cyfer. "Nababaliw ka na ba? She's your wife! Gano'n kadali sayo na saktan ang asawa mo?" gulong-gulo ako.
Napatingala siya sa kisame at napahawak sa batok. Napabuntong hininga siya at pumikit. Ako naman nanggigilalas. Is he serious? Gano'n lang kadali sa kanya na bitawan ang asawa niya? Paano na si Kris pag nagkataon? Naguguluhan ako.
"She'll understand." nahihirapan niyang tugon.
Umiling ako at pagak na tumawa. "Cyfer, I love you and I almost believe when you said you changed for the better-"
"I did , Anne."
"Base on what you're telling me now, it seems like you didn't try harder. You got worse. Mahal kita pero ayokong makatapak ng ibang tao. Kung nagbago nga, iisipin mo yung magiging epekto nito sa mag-ina mo." naiiyak kong sagot. "Alam mong mahal kita pero hindi ko gustong maging dahilan iyon para makasakit ka ng iba. Hindi mo man lang ba naisip na makakasakit ka? Hindi mo ba naiisip kung ano ang mangyayari pag hinarap mo ako sa kanya. Heira told me that your wife is ill! Tapos ano? Nagkita tayo, sinabi ko sayo na mahal kita at sinabi mo sa akin kagabi na mahal mo pa rin ako pero paano na sila?" tinuro ko ang anak niyang mahimbing na natutulog. "Yang anak at ang asawa mo? Anong gagawin mo? You will leave them because of me? As if I will let you do that!"
Natahimik siya. Nakatitig lang siya sa akin pero parang matutunaw na ako . Damn! Dapat nagagalit ako, di ba? Dapat nga sinasampal ko na siya ngayon . Pero bakit ganito? Bakit hindi ko magawa na pagbuhatan siya ng kamay kahit isang beses lang?
"I'm sorry if I'm too fast." mahina niyang sabi. "I don't how I would explain the whole thing. May mg bagay hindi maiintindihan kung hindi mo ako bibigyan ng pagkakataong magpaliwanag ng maayos. I just want you to trust me. Trust me, Anne. Bet on this and I promise you, gagawin ko na lahat ng tama."
Umiling ako. Napakagat sa aking labi. Gusto kong magtiwala na kaya niyang itama ang lahat pero paano ko naman gagawin iyon kung nagsimula 'to sa mali?
"I have to think, Cy. Don't put a pressure on me. And yes, you're right. You're too fast." iyon langat tinalikuran ko na siya at lumabas ng kwarto ni Kris. Nagpasalamat na lang ako na hindi niya naisapang habulin ako.
Naging abala ako sa natitirang oras ko sa hospital. Maganda na rin na maraming distractions para hindi ko siya maisip. Pero nang makauwi na ako, okupado niya ang buong pag-iisip ko. Lalo na nang makarating ako sa unit.