ANNE POV
Katatapos lang namin kumain. Niyaya nya akong tumambay sa rooftop ng bahay nila. Malamig ang hangin dito at presko.
"dito ang paboritong tambayan ko."
"talaga?"
"kahit sa academy,madalas ako sa rooftop."
Ngayon ko lang nalaman yon.
"tuwing nawawala ka sa klase, nasa rooftop ka lang?"
He smirked.
Napapatulala ako sa kanya sa tuwing ngumingiti sya. Kung ngumingiti lang sya ng ganyan sa school, malamang madaming magkakagusto sa kanya.
Wala na kaming masyadong napag-usapan kanina sa kusina hanggang sa matapos kaming kumain.
Pero kahit na ganon, madalas pa ding nagkakasalubong ang mga mata namin.
"gusto mo?"
Inabot nya saken ang nilagang itlog na nabalatan na.
Natatawa kong tinanggap iyon.
"hindi ko na nakain kanina 'to dahil sa beef steak mo."
"sabi sayo,eh. Masmasarap ang beef steak sa itlog."
He shrugged his shoulders sabay kagat sa pagkain nya.
"favorite mo 'to?" tanong ko.
He nod.
"seryoso?"
"oo nga."
"bakit itlog?"
"madaling lutuin."
Tinakpan ko na ang bibig bago pa ako matawa ng malakas.
"wala akong talent sa pagluluto."
"e bakit punung-puno ng pagkain ang ref mo?"
"may cook ako. Three times a week lang sya pumupunta dito."
"so, three times ka lang din nakakakain ng maayos?"
"tsktsk. Masyado mong ina-underestimate ang itlog."
I chuckled. "di naman."
Hindi ko akalaing magkakaroon ako ng chance na makausap sya ng ganto. Yung tipong biruan na kaming dalawa lang.Ang akala ko kasi noong una,hindi nakakaappreciate ng biro ang isang tulad nya. Pero eto sya,nakikisakay at ngumingiti sa takbo ng usapan namin.