-
Hi
-
Tila ako naparalisa nang makita ang likuran ni Cyfer na nakayupyop sa hospital bed kung saan may isang babaeng nakahiga at mukhang mahimbing na natutulog. Hindi ko kayang ipaliwanag kung bakit parang unti-unting pinipiga ang puso ko sa aking nakikita bagama't sobrang lakas ng kabog no'n. Ngunit parang huminto iyon sa pagtibok nang lumingon si Cyfer sa kanyang likuran. Hindi na ako nakapagtago. Agad niya akong nakita at nanlaki ang mga mata niya. Kumurap siya ng ilang beses na tila hindi makapaniwala na nasa harap niya ako. Wala sa loob siyang napatayo.
Samantalang ako, hindi malaman kung papasok ba sa kwarto o tatakbo palayo. Kinakabahan ako. Nangangamba at natatakot sa kahihinatnan nitong katangahan na ginawa ko. Masyado na naman akong naging impulsive!
Humakbang si Cyfer palapit. Nasa mukha niya ang pagkabahala habang pinagmamasdan ang magiging reaksyon ko. Lumipat ang tingin ko sa pasyenteng nasa kama.
Napalunok ako. Siya ba? Siya ba 'yon?
Hindi ko masyadong matanaw ang buong mukha niya pero hindi maipagkakailang maganda ito. Pinangangambahan ko na magising siya at makita niya ako.
May isang taong lumabas mula sa banyo sa loob ng kwarto at parehas kaming napatingin ni Cyfer sa taong iyon. Isang matandang babae. Is that his wife's mother?
Doon ako nanlamig. Para akong binuhusan ng yelo. Mabilis akong nakabawi at natauhan.
"S-sorry. I. . .I think I enter the wrong room." sabi ko sabay ng mabilis na pagtalikod palabas ng pinto.
"Anne." tawag ni Cyfer sa pangalan ko. Napapikit ako ngunit hindi huminto sa paglabas. Hindi na rin ako nag-abalang lumingon. Wrong timing ang pag-atake ng curiousity ko. Halos takbuhin ko ang elevator. Sakto naman na bumukas iyon at agad akong pumasok. Mabilis kong pinindot ang button at unti-unti itong sumara. Nanlaki ang mga mata ko nang makita si Cyfer na tumatakbo patungo sa akin. Konti na lamang at sasara na ang elevator.
"Please. . .please. . .sumara ka na." napakagat ako ng labi nang biglang iharang ni Cyfer ang braso niya para muling bumukas ang elevator. At nakaabot siya!
Tahimik akong napaungol. Pumikit ako dahil parang gusto nang kumawala ng puso ko sa rib cage nito. Dumilat lang ako nang maramdaman na nasa harapan ko na siya at nakita kong may pag-aalala sa mukha niya. Naramdaman ko rin na huminto ang elevator sa pagbaba. What?
Halos isiksik ko na ang aking sarili sa pinadulong bahagi ng elevator. Umiwas ako ng tingin sa mga mata niyang nakakatunaw kung makatitig. Nagsisimula ng manghina ang tuhod ko. Kung hindi lang ako nakasandal ay sa sahig na ako pupulutin.
"You didn't tell me na may balak kang pumunta. Tulog pa si Ram." mahinahon niyang sabi.
Napilitan akong bumaling sa kanya. Mula kahapon hanggang ngayon ay nagugulat ako sa pagsasalita niya na parang wala siyang pakialam kung magkaharap kaming dalawa ng asawa niya. What's wrong with him? Hindi ba siya natatakot? Hindi ba siya nakakaramdam ng kahit konting guilt? Dahil ako, halos umabot mula ulo hanggang talampakan ang takot ko at guilty na guilty ako sa katotohanang may natatapakan akong tao dahil sa pagmamahal ko sa kanya. Sobrang na-g-guilty ako dahil may nangyari sa amin at walang kaalam-alam ang asawa niya. It's not as if I intend to hurt her. Of course not. Mahal ko lang talaga itong lalaki na nasa harap ko.