HTLAB - Chapter 13

65K 992 38
                                    

 


ANNE POV


Sinubukan kong bumawi kay Rhea nitong mga nakaraang araw.


We watched the latest movies in cinemas o kaya naman ay movie maration sa bahay nila.

We went shopping kahit mukhang napilitan lamang dahil hindi naman daw nito hilig ang ganoong bagay. Minsan na rin kaming nag-swimming sa clubhouse at magkakaraoke.

May mga araw rin na nakiki-sleepover ako sa kanila at magjojogging kami kinabukasan.

Tuwing nasa kanila ako, lagi niya akong niyayayang maglaro ng online games o kaya naman ay sa xbox niya.

Hindi ko siya hinihindian kahit ni minsan hindi niya ako pinanalo man lamang. Natatawa na lamang ako kapag nagtutuksuhan kaming dalawa.


Masaya sa pakiramdam.


Parang bumalik kami doon sa panahon na wala pang Cyfer sa buhay ko. Yung panahon na ang sentro ng atensyon ko ay ang bestfriend ko.


Masarap sa pakiramdam na mukhang nagbabalik na kami sa dati ni Rhea ngunit masakit namang isipin na nawawalan kami ni Cy ng oras para sa isa't-isa.


Totoo ang sinabi niyang magiging abala siya.


Hindi ko alam kung anong pinagkakaabalahan niya pero lagi pa rin niya akong tinatawagan sa gabi.


Madalang na rin kaming nakakapagkita sa rooftop dahil tuwing breaktime ay si Rhea ang sinasamahan ko. Hindi na siya nalelate pero hindi pa rin kami nakakapag-usap sa umaga dahil may mga araw na sabay kaming pumapasok ni Rhea. Sa uwian naman, kahit gusto ko siyang habulin, umaalis na siya bago ko pa siya mahagilap.


Two weeks nang ganito ang routine ko.


"Bestfriend! Movie tayo later?" aya sa akin ni Rhea habang nilalagay ko ang mga libro ko sa locker. Inakbayan pa niya ako. "Mukhang maganda ang Divergent."


"Nabasa ko na 'yon sa libro." isinara ko ang locker ko.


"O eh ano naman? Iba pa rin pag visual at may effects!" depensa niya. "So,ano? Nuod tayo?"


Napabuntong hininga na lamang ako. Mas gusto ko talagang nagbabasa na lamang. Napapagana ko pa ang imagination ko. Para kasing expectator lamang ang mga nanunuod ng movie.


Pero sa huli, napilit pa rin ako ni Rhea. Nanuod pa rin kami ng Divergent. Babaeng 'to talaga. Gagawin ang lahat manalo lang siya.


After watching the movie, medyo okay naman. Cool enough. Pero mas cool ang mga characters sa imagination ko. Mas gwapo ang Four na nasa isip ko kaysa sa bidang gumanap bilang Four.


Si Rhea tuwang-tuwa. Walang ibang bukambibig kung hindi si Tris - ang bidang babae sa Divergent. Tinanong ko nga siya kung nagwapuhan ba siya kay Four at ang sagot niya 'mas gwapo ata ako do'n.' Binatukan ko nga.

How To Love A Bastard ?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon