-
Equal
-
Nataranta ako lalo nang mapalingon ang lahat sa akin. Mabilis akong yumuko para pulutin ang cellphone ko.
"Anne Martin? Is that you?" natigilan ko saglit. Tumingala ako at nakita kong papalapit si Heira sa akin. Si Cyfer ay nanatili sa kinatatayuan niya. Tumayo ako. Ramdam ko ang panginginig ng aking tuhod. Gano'n din ang aking kamay kaya napahigpit ang hawak ko sa aking cellphone.
"Anne!" nakuha muli ni Heira ang atensyon ko. Nakita ko ang tuwa sa mga mata niya at agad na sumilay ang ngiti sa kanyang mga labi. Walang masyadong nagbago sa kanya maliban sa pag-amo ng kanyang mukha. Maganda na siya noon pero mas lalo siyang gumanda ngayon.
"Heira." gumanti ako ng ngiti. Sinalubong niya ako ng yakap. Niyakap ko rin siya ng mahigpit. It has been a long time. Eleven years na rin nang huli ko siyang makita .
"Oh , my God! Hindi ko akalain na makikita kita rito." napatingin siya sa suot ko . "Gosh! Doctor ka na?"
Ngiti lang ang naisagot ko . Hindi ko rin akalain na dito ko siya makikita . Bumaling ulit ako kay Cyfer at nagulat ako nang makitang nanatili siyang nakatitig sa akin. Kumalabog ang puso ko at bigla akong kinabahan. I set my eyes back on Heira's face. Napalunok ako. Bakit sila magkasama? Sila ang nagkatuluyan?
"Ikaw? Kamusta ka na? Wala akong naging balita sayo. Hinanap ka namin ni Rhei." sabi ko naman kay Heira. Oh, please. Sana naman hindi ako mautal. Kating-kati ang mata ko na tignan ulit si Cyfer pero todo ang pagpipigil ko. Ayokong makahalata siya.
"Oh, sorry. Minsan lang kami rito sa Manila. We live in Antipolo. Huli kong nakita si Rhea five years ago pero ikaw, ngayon lang ulit kita after ten years!"
"Eleven years." pagtatama ko. I chuckled. "Three years ago na nang makauwi ako galing U.S."
"Ohh." tumango-tango si Heira. Lumingon siya kay Cyfer at tumingin muli sa akin. Tumikhim siya ngunit hindi agad nakapagsalita.
"Papunta ba kayo kay Kris?" tanong ko kay Heira.
Nanlaki ang mga mata niya . Hindi ko alam kung bakit ikinagulat niya ang pagbaanggit ko sa pangalang iyon .
"K-kilala mo si Kris?"
Pinilit kong tumawa kahit umatake na naman ang sakit na naramdaman ko lang kahapon. "Oo naman. That child is my patient, Heira. . ."
Napasinghap si Heira at napatingin kay Cyfer. Hindi ko alam kung naririnig ba nito ang usapan naming dalawa ni Heira pero umiwas siya ng tingin nang bumaling ako sa direksyon niya.
"So, nagkita na ulit kayo ni Gelo bago pa ngayon?"
Sandali akong nanibago sa pangalang binanggit niya. Gelo. Hindi talaga ako sanay. Sa isip ko, siya si Cyfer. Pag nakikita ko ang mukha niya, siya si Cyfer. Ang dati niyang pangalan ang mas tumatak sa akin at hindi iyon madaling burahin at baguhin. Hindi gano'n kadali. Hindi nadadaan sa isang sabihan lang.
"Oh, I mean. . .Cyfer." marahang pambawi ni Heira nang makita niyang sandali akong natigilan.
Tumango ako at ngumiti ulit. "Kahapon lang."
Muli akong napabaling kay Cyfer. Halos manlaki ang mata ko nang makita ko siyang papalapit sa amin ni Heira. Oh, my God. Ito na naman . Napalunok ako . Umiwas ako ng tingin sa kanya .
Pero parang lumakas ang senses ko at pati yabag niya ay dinig na dinig ko. Nang makalapit na siya ay agad kong naamoy ang pabangong gamit niya. Such a manly scent.