HTLAB - Chapter 22
-
Of All People
-
Lumipas ang mga araw at mabilis akong naka-recover. Patuloy ang pagdating ng bisita ngunit kagaya ng sinabi ni Cy ay hindi ko muna makikita ang presensya niya. I'm missing him badly but I guess I have to bear with it for now.
Napatingin ako kay Mommy na inaayos ang mga gamit ko. Ngayon ang araw ng paglabas ko sa ospital namin. Sa lagpas isang buwan kong pananatili rito ay hindi siya umalis sa tabi ko. Bumalik sa isipan ko yung mga araw na sa tuwing nagkakasakit ako noon ay hands-on siya sa pag-aalaga sa akin. And she's doing it again after so many years. Nagagalak ako.
But my happiness has a boundary. My mom is with me everyday but Dad only visits when I was asleep. Ilang beses kong tinanong si Mommy kung sa tingin niya ay galit pa sa akin si Dad.
"Give him time, Anne." Iyon lagi ang isinasagot sa akin ni Mommy at sa tuwing sasabihin niya 'yon ay nakangiti siya sa akin. Ngiting hindi umaabot sa kanyang mga mata.
May mga dumalaw sa akin. Rhea cried the first time she saw me awake and concious.
"Kinabahan ako, Anne. Kaming lahat." Sabi niya habang pinupunasan ang kanyang luha.
"Sorry. I made you worry." Ngumiti ako sa kanya. Hindi siya sumagot. Tahimik siyang umiyak ng ilang sandali at nakatingin lamang ako sa kanya. Rhea rarely cries. Hindi siya tulad ko na mababaw ang luha. Sa ilang taong pagkakaibigan namin ay ilang beses ko lang siyang nakitang umiyak at lahat iyon ay hindi basta-bastang sitwasyon. Do'n ko nakumpirma na sobrang natakot siya sa nangyari sa akin.
"Sorry." Pag-uulit ko. Ilang sandali ay tumahan rin siya ngunit pulang-pula na ang kanyang ilong at mga mata.
Tumango-tango siya at pilit ng ngumiti sa akin. "How are you? You gave us a scare. Ang tagal mong natulog."
"Medyo okay na. Kumikirot lang yung balikat ko." Dumako ang kanyang paningin sa aking braso na naka-cast.
"That's. . .good." Lumunok siya at pumikit. "Nakausap mo na ba ang parents mo?"
Sandali akong natigagal ngunit agad ring nakabawi. Dahan-dahan akong tumango. Halos pabulong na ang aking pagsagot kahit kaming dalawa lamang ang nasa kwarto. "Yeah."
"What did they say?" Maingat niyang tanong.
Yumuko ako at pinaglaruan ang aking mga daliri. "Alam na nila."
Mukhang hindi na nagtaka si Rhea. Kahit hindi ko diretsahin ay alam niya ang gusto kong iparating. Of course, siya ang mas nakakaalam ng sitwasyon ko. Add the fact that I was with Cy when the accident happened. Everybody assumed that he was my boyfriend at hindi ko naman iyon itinanggi sa kanino man. Ngunit hindi ko rin naman nagawang ikumpirma kung totoo nga.
"What was their reaction? Nagalit ba?" May pag-aalala sa kanyang boses.
Tumango ako. "Dad was so mad. I think he still does. But Mom is on my side now. She told me she'll support me."
"Really?" Halata ang pagkagulat sa kanyang mukha. In-expect ko na rin ito dahil dati ay inakala ko ring imposibleng mangyaring panigan ako ni Mommy.
"Believe me, Rhei. Hindi ko rin inaasahan na kakampihan ako ni Mommy. Mas in-expect ko pa ang galit ni Dad nang makaharap ko sila." Napailing ako. "I don't know why she's taking my side and what was the reason why she changed her mind. Pero wala na akong balak na tanungin siya tungkol ro'n. Mahalaga sa akin ang suporta niya."
Tumango ulit si Rhea. "What about Tito Daniel?"
Nagpakawala ako ng malalim na buntong hininga. Sa tuwing nababanggit ang pangalan ni Dad ay tila may bumabarang bato sa aking lalamunan at nagpapabigat ng aking paghinga. Mabigat rin sa pakiramdam ngunit kailangan kong indahin 'yon. "Hindi ko siya nakitang dinalaw ako ulit. But Mom said he visits me pag tulog ako. Ewan ko kung sadya bang tinataon niyang lagi akong tulog o hindi niya lang talaga ako matyempuhang gising."