HTLAB - Chapter 31

48.5K 637 35
                                    


CYFER POV


"Okay na ba sayo 'tong unit ko?" tanong ni Joey matapos niyang ipakita sa akin ang kabuuan ng unit na pag-aari niya.


Okay na 'to sa akin. Hindi ko naman kailangan ng malaking space. Mag-isa lang naman akong titira dito. . .pansamantala.


"Okay na. Magkano ang renta?" nilingon ko siya. Ngumiti lang ito.


"Huwag na! Ano ka ba! Parang hindi naman tayo magkakilala nyan. Okay lang kahit huwag ka na magbayad. Hindi naman na rin ako madalas umuuwi dito. Sa penthouse ako lagi tumutuloy dahil less hassle sa byahe. Huwag ka na mag-abalang magbayad."


Hindi ko siya pinakinggan. Kinuha ko ang wallet ko at kumuha ng limang libo doon. Inabot ko 'yon sa kanya pero hindi niya kinuha. "Huwag na, Cy. Sayo na lang 'yan." tanggi niya sa pera. Napabuntong hininga ako.


"Ayokong magkautang na loob sa kahit na sino." sabi ko sa kanya.


Wala itong sinabi pabalik. Ngumiti lamang muli si Joey.


"Hmm, ano pa bang ipapaalala ko sayo? Wala naman na ata akong maidadagdag." Bumaling siyang muli sa akin. "So, paano? Una na ako, ha. Kailangan pa ako sa bar, eh. Enjoy! Ito nga pala ang susi." kinuha niya ang kamay ko at nilagay sa palad ko ang susi ng unit niya. Pagtapos ay nagmamadaling lumabas ng pintuan. "Ba-bye!"


"Hey-" hindi ko na siya natawag dahil sumara na ang pinto.


Tss. That guy. . .


Napatingin ako sa perang hawak ko. Hindi niya tinanggap ang bayad. Pera na nga, tinanggihan pa. He's not smart enough. Huminga ako ng malalim at ibinalik ang pera sa aking wallet.


Inilibot ko ang aking paningin sa unit.


Sapat lang ang laki nito. Beige ang kulay ng dingding at kisame. Dalawang sofa, isang malaki at isang maliit. May round table na gawa sa marmol. Flat screen tv na nakasabit sa dingding. May dvd player, component at rack ng mga cd at dvd.


May dalawang pinto sa kanan. Ang isa ay ang kwarto. Ang isa naman ay ang banyo. Nakita ko na 'yon kanina. Maganda at malinis. May shower at bathtub rin. Mas malaki nga lang ang banyo ko sa bahay.


Sa kaliwa naman ay ang kusina. Doon rin ang dining area.


Inilapag ko ang bag pack ko sa sofa. Pabagsak akong umupo roon. Napagod ako. Akala ko ay hindi ako makakahanap ng matutuluyan pansamantala. Ang buong akala ko ay sa hotel ako babagsak. Buti na laman at napadaan ako sa Rioza. Nakita ko si Joey. Siya ang napagtanungan ko kung mayroon siyang alam na desenteng apartment na matitirahan pansamantala. Hanggang sa nasabi niyang may unit siya sa isa sa mga sikat na condominium. Agad naming nilasan ang bar at tumungo rito.


Hindi nagtanong si Joey kung bakit kailangan ko ng bahay na matitirahan pansamantala at ipinagpapasalamat ko 'yon.

How To Love A Bastard ?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon