-
Don't regret
-
Naubos ko na ata lahat ng luha ko. After the confrontation scene, pinanawan ako ng lakas at tila ako matutumba. Hindi ko nga alam kung paano ako nakarating ng kwarto ng hindi nabubuwal ang mga binti. Ramdam ko ang pangangatog no'n kanina at panginginig ng aking mga kamay kasabay ng pagbaha ng luha sa kama ko.
Nakatulala ako habang yakap ang tuhod at nakasandal sa headboard ng kama. Hindi matigil ang paghikbi kahit tila nailabas ko na lahat ng luhang kaya kong ilabas.
This is it. They already knew it. I don't know what would be the next scene after this. There's a possibility that they would betray me or they would lock me up inside my room para hindi makatakas. Not that I'm planning to escape our house. Naisip ko lang na baka maisip rin nilang huwag akong bigyan ng tsansang makalabas ng bahay para hindi kami makapagkita ni Cy.
Ngayon palang ay nararamdaman ko na ang pagkasakal. Nasasakal ako sa sakit, hirap na dala ng sitwasyon at pangungulila kay Cy. Nasasaktan ako dahil alam kong nasasaktan ko ang mga magulang ko. That was never my intention. I just want myself to be happy. I just want them to be happy for my sake. I want their support.
Pero ba't ganito? Gusto ko lang sumaya. Wala namang masama ro'n, di ba? Pero bakit pagdating sa akin ay tila nawawalan ng saysay ang katwirang 'yon? Ba't napakaraming komplikasyong kasama ng kasiyahang gusto kong makuha?
Kinagat ko ang ibaba kong labi at mariing pumikit. Barado na ang ilong ko sa kaiiyak. Ganito ba talagang klaseng sakit ang dapat kong indahin para sumaya?
Hindi ba pwedeng makuha 'yon sa simpleng paraan? Kailangan ko talagang maramdaman at madaanan 'to?
I want to question God. Why? What now? What's his plans for me? I wanna know. But at the same time, I'm afraid that his will might be different to what I'm hoping to happen. There was no sign given. O siguro'y meron na siyang naibigay ngunit nabubulag ako ng sarili kong rason kaya hindi ko makita iyon.
Ramdam ko pa rin ang pamamanhid ng pisngi ko sa sampal ni Papa. Ngayon lang ako napagbuhatan ng kamay at matindi ang sakit na dala no'n ra akin.
Hindi na ako nakapagsalita pagtapos no'n at nag-walk na si Papa. Sinundan siya ni Mama ng walang sabi-sabi at naiwan akong mag-isa sa sala habang umiiyak.
Paano kaya maaayos ang sitwasyon na 'to? Gulong gulo na ang isipan ko. Hindi ko na alam ang dapat kong unahin.
Nakayupyop ako sa aking tuhod nang bumukas ang pinto ng aking kwarto. Inangat ko ang aking ulo. Then, I saw my Mom. Mugto ang kanyang mata at halatang kagagaling lamang sa iyak. Namumula ang kanyang pisngi at ilong.
Madalang ko siyang makitang umiiyak. But I never saw her like this. Kitang-kita ang sakit, pagkalito at pagsisi sa kanyang mga mata. I know she's already disappointed. I disappoint her. Silang dalawa ni Dad. Marahil ay iniisip niya ang butas ng maaaring naging pagkukulang niya bilang magulang. Kung ano ang nagawa niyang mali para magawa ko 'yon at madungisan ang pangalang iningatan ng buong angkan ng mga Martin sa napakatagal na panahon. At heto ako, sinisira ang pangalang 'yon
Hindi ako gumalaw. Umiwas lang ako ng tingin. Sinubukan kong huminga ng malalim sa aking bibig dahil barado na ang aking ilong. Pagtapos ay pumikit. Naramdaman ko ang paglundo ng kanang bahagi ng kama sa pag-upo ro'n ni Mommy.
Hindi na ako nakaramdam ng takot. Hindi ko na nga alam kung ano dapat ang aking maramdaman. Nakakamanhid ang sakit at nawawalan na rin siguro ako ng pakialam.
"Anne. . ." Halos hindi ko na marinig ang pagtawag na 'yon ni Mommy. Pabulong iyon at tila hirap na hirap siyang sambitin ang pangalan ko.
Lumunok ako nang maramdamang nag-iinit na naman ang aking mga mata.