CYFER POV
Pumunta ako ng palihim sa chapel na pinagbuburulan ngayon ni Frank de Vera.
May mga security na nakakalat sa paligid at alerto.
I was wearing a black formal attire kagaya ng mga taong nandito na nagdadalamhati at nakikisimpatya. Nakalusot ako sa mga guwardiya na nagbabantay sa pagaakala siguro nila na isa ako sa mga anak ng kasosyo ng pamilya de Vera.
Pinili kong maupo muna. I was just looking straight at the coffin of the man I once admire. I'm trying to picture his image in my mind. Yung tao na una kong nakita noong anim na taong gulang pa lamang ako. Yung lalaking lumapit sa akin sa park at ginawan ako ng eroplanong papel. Yung lalaking kinamuhian ko ng sobra sa paglipas ng ma taon. . .
I can't believe he's already dead. Hindi pa rin nagsisink in ang lahat sa akin.
Dalawang araw na ang nakalipas matapos akong puntahan ng abogado ni Frank de Vera. Dalawang araw kong pinag-isipan ang bagay na 'to - kung pupunta ba ako sa burol niya o hindi.
Pinagmasdan ko ang paligid. May dalawang tao na nag-a-accomodate sa mga bagong dating na bisita. Isang babae at isang lalaki.
Base on their physical appearance, I assumed that they are the legal daughter and son of Frank. Kamukha nila ang matandang de Vera lalo na yung lalaki.
Nasabi sa akin ni Atty. Loren Delgado ang pangalan ng magkapatid, Alexandra de Vera and Alexandrei de Vera. Alexandrea de Vera, the youngest daughter of Frank, is currently studying abroad. Kaya siguro wala siya dito.
Nakamata lamang ako sa magkapatid. Matagal na napako ang tingin ko kay Alexandra. She looked pale and exhausted. Namamaga rin ang kanyang mga mata marahil sa madalas na pag-iyak. She's talking to an old woman with a plastered smile on her face. I'm pretty sure that it is fake. Halatang pilit ang kanyang ngiti. She's trying to look presentable. That's stupidity. Bakit kailangang magpakitang tao pa siya sa mga bisita?
Nalipat ang aking tingin sa kapatid niyang lalaki. Seryoso at walang imik.
He's wearing an eye glasses. Tinatanguan lamang niya ang mga bisita. Halata rin sa mukha ang pagod sa kanyang mukha.
Ilang minuto akong nanatiling nakaupo, nagmamasid sa paligid. Walang ibang maririnig na ingay kundi ang mga yabag at bulungan ng mga taong naririto.
Nahulog ako sa malalim na pag-iisip.
What am I doing here anyway? Ba't kailangan ko pang pumunta? Hindi naman ako inimbita. Hindi rin ako malapit sa taong namatay. Walang ibang nakakakilala sa akin dito kundi ang lalaking nakaratay sa loob ng kabaong.
Nag-init ang sulok ng mata ko. Parang may umiipit sa dibdib ko at hindi ako makahinga.
Fuck.
I smile bitterly.