HTLAB2 - Chapter 17

34.1K 765 55
                                    

This chap is dedicated to : Crisyll Torres

-

The hidden truth

-

"Anne, sorry. Hindi ba talaga nasabi sayo ng kapatid ko yung bagay na 'yon?" Kinakabahang tanong ni Ate Xandra. Nagkatinginan silang tatlo nila Heira at Xandie na hindi malaman kung ano ang gagawin.

"Wala siyang sinabi." Sagot ko kasabay ng marahang pag-iling. Tumingin ako sa kanilang tatlo. "K-kinausap siya ni Dad noon?"

"Iyon ang pagkakaalam ko. Ayon na rin sa kwento niya sa akin noon, bago pa siya mapunta sa amin ay kinausap na siya ng Daddy mo." Huminga ng malalim si Ate Xandra. "You should ask him. Sa tingin ko naman ay hindi niya ipagkakait na malaman mo 'yon. That was an old case but it was never closed. Kung hindi niya ito nabanggit sayo, baka ayaw niya na maungkat pa. Maybe he doesn't want you to feel betrayed by your own parents. Kahit malamig ang ugali ni Gelo, magaling siya sa pagtimbang ng sitwasyon. Baka ayaw niyang magalit ka sa Dad mo."

Sumingit si Xandrea at pinatigil ang kanyang Ate sa pagpapaliwanag. "Ate, huwag mo na palakihin ang kasalanan natin kay Gelo. Let him explain the whole story to his girl. Huwag na tayo makisingit." Tumingin sa akin si Xandie at humingi ng paumanhin. "Sorry if we cannot tell you the truth. Kaya sana namin ikwento but I'm sure my brother would prefer explaining himself. That was not a very good topic at pinagbawalan' niya kaming makialam sa pribadong relasyon niya sayo. We support him though. Mas maganda na rin na marinig mo ang side niya."

Sandali akong natigilan. Hindi pa rin nag-s-sink in ang lahat sa utak ko. Parang sistema ko mismo ang tumatanggi sa maliit na katotohanang binahagi nila sa akin. Hindi ko alam kung paano ko iyon tatanggapin.

Cy, why did you hide the truth from me?

Kung kinausap siya ni Dad noon, ibig sabihin ay matagal na akong nalilinlang. Hindi ako ang nakapagtago ng malaking sekreto sa kanila. It was the other way around. Napakaraming tanong na bumuo sa aking isipan. Paano nila nalaman? Nahuli ba nila ako noon? Did someone told them? O si Cyfer ang unang umamin sa kanila?

Napapikit ako. It gives me pain. The kind of heartache that I felt when Cyfer broke up with me. Lahat iyon ay parang kidlat na tumama sa puso ko. Yung araw na akala ko ay sinasarili ko ang karma ng pagtatago ko ng sikreto kina Daddy at Mommy pati na rin kay Rhea ay hindi pala isang karma kundi parusa mismo mula sa aking mga magulang. At tama ang sinabi ng magkapatid na De Vera, naramdaman ko nga ang betreyal. Mas masakit pa na ang nagdulot ng gano'ng klaseng sakit sa akin ay ang mga taong sobra kong pinagkakatiwalaan.

Tahimik na umalis ang magkapatid. Naramdaman ko ang marahang pagpisil ni Ate Xandra sa balikat ko. Naiwan kami ni Heira na wala ring imik pero alam kong nakatuon ang pansin sa akin. Paglipas ng ilang minuto ay nagsalita si Heira.

"Magiging malinaw rin ang lahat para sa inyo ni Gelo, Anne."

Nanatili ako ng nakayuko. Pumikit ako at nagbuntong hininga para alisin ang bara sa aking lalamunan. "Kailan mo 'to nalaman? Heira, we're friends. You should have told me-"

"Wala akong ideya noon, Anne. Kahit nung umalis ka na, nanatili akong walang alam. Gelo doesn't want to share his own pain. But I witness him suffer. He tried his best not to run after you dahil may binitawan siyang salita sa Dad mo. Instead of finding you, ang una niyang ginawa ay itayo ang sarili niya at ayusin ang kanyang sira-sirang pagkatao. Kaya tumagal ng ganito. . ." Huminga ng malalim si Heira at tumitig sa akin. "He thought he had a special feeling towards me. He once told me he loved me, Anne. . ."

Another strike of unbearable pain made me look away. Narinig ko na ito kay Cy noong nagbakasyon kami sa isla pero iba pala ang pakiramdam pag si Heira na ang nag-k-kwento. Pakiramdam ko ay unti-unti akong nilalamon ng panibugho. Nagseselos ako dahil dapat ako 'yon. Dapat ako lang. Hindi ko kayang tanggapin na muntik nang maging sila nung wala ako.

How To Love A Bastard ?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon