HTLAB - Chapter 29

44K 730 35
                                    

 

ANNE POV

"Miss Anne, may bisita po kayo sa baba." sabi ni Marjories, ang pinakabatang katulong namin dito sa bahay.

Natigil ako sa pagbabasa ng libro. Napatingin ako sa orasan. 8:30 ng umaga. Sino namang magiging bisita kayo sa ganito kaagang oras?

"Si Rhea ba, Marj?"

"Hindi po. Lalaki. Hindi ko po kilala, eh."

Lalaki. . .

Ang unang pumasok sa isip ko ay Cyfer kaya biglang bumilis ang tibok ng puso ko.

Itinago ko ang excitement ko at muling humarap sa katulong. "Salamat. Pakisabi baba na ako."

"Sige po." Ngumiti ang katulong at yumuko.

Agad akong bumangon sa pagkakasalampak sa kama at nag-ayos. Maaga akong nagising ngayong araw pero pinili kong huwag bumangon sa kama at magbasa na lamang. Lalabas lamang ako ng kwarto kapag nakaramdam ako ng gutom o kapag tumawag na sila Daddy sa videophone.

Hindi nawala sa isip ko kung sino ang bisita. I keep on guessing.

Sana siya. . . Sana siya. . .

Kinuha ko ang aking cellphone sa ilalim ng unan. Walang text galing kay Cy. Wala ring tawag.

I sighed.

Hindi siya nagtetext sa akin mula kahapon matapos kong ibigay ang scrapbook sa kanya. Nung tinawagan ko siya, nagri-ring naman ang phone niya. Wala nga lang sumasagot.

Ano kayang nangyari ro'n?

Pinasadahan ko ng tingin ang sarili ko sa salamin bago nagpasyang bumaba.

"Nasa sala po siya, ma'am." bulong ni Marj nang makababa na ako ng hagdan. Agad akong nagtungo ro'n.

Nakaramdam ako ng disappointment nang makitang hindi si Cyfer ang bisita ko.

It's Ren.

"Hi. Good morning."

Nginitian ko siya kahit naiilang ako. Hindi ko na kasi pinapansin si Ren matapos ang engkwentro nila ni Cyfer. Maski sa academy ay madalang ko na siyang kibuin. At hanggang ngayon ay nasa isip ko pa rin ang mga sinabi niya sa akin. Kung bakit nandito siya ngayon ay wala akong katiting na ideya. Umupo ako sa sofa na malapit sa kanya.

"Ba't ka bumisita?" agad kong tanong.

"Sorry sa abala kung masyado akong maaga. Gusto ko sanang ayain ka lumabas."

How To Love A Bastard ?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon