ANNE POV
Apat na ang nakalipas nang huli kaming mag-usap ni Cyfer ng personal. Hindi ko pa rin inaamin sa kanya na grounded ako. Ang dinahilan ko lamang ay may pinapaasikaso sa akin ang parents ko kaya hindi ko siya pwede puntahan after class.
May mga pagkakataon na gusto kong tumakas pero walang tamang tyempo para doon. Sa school, si Rhea ang kasama ko. Pag dismissal na, naghihintay na ang driver sa akin. Sa bahay naman, laging nakamasid sa akin ang mga katulong. Walang palya sa pagtawag ang mga magulang ko para i-check kung ano ang ginawa ko buong maghapon.
Umaakto ako ng normal pero hindi ako naging komportable. Para akong kriminal na minamanmanan. Kulang na lamang ay maglagay sila ng cctv sa buong kabahayan para malaman nila ang lahat ng mga galaw ko.
Nakakasakal.
Ngayon, nandito na naman ako sa kwarto. Nag-iisa. Nagmumukmok na naman. Nakatingin sa kisame. Nakakainis kasi wala akong magawa. Nakakainip yung ganito. Naghihintay lamang na matapos ang isang araw para makalabas muli.
Inabot ko ang cellphone ko sa side table. Wala pang text si Cy. Ang sabi niya, itetext niya ako pag nakauwi na siya.
Hindi naman napuputol ang komunikasyon namin pero iba pa rin yung personal kaming nakakapag-usap.
Wala namang kaso sa akin dati kung mananatili ako buong maghapon dito sa bahay. But now, I feel suffocated. Buti pa pag nasa academy ako, malaya akong nakakakilos pero dito, I'm hopeless.
Hanggang ngayon ay naghihintay pa rin ako ng tamang tyempo para makapag-usap kami ni Cy. Marami akong gustong itanong sa kanya. Tanong tungkol sa personal niyang buhay. Sa pamilya niya. Gusto kong malaman kung may kapatid ba siya. Hindi ko pa rin napapaalam sa kanya ang text message na natanggap ko mula sa isang unknown number. Does he really have a brother?
Napabuntong hininga ako. Kailan kaya matatapos itong parusa ni Dad?
CYFER POV
"Hey, tanggapin mo na ang offer namin! Malaki naman ang sweldo, ah."
"Oo nga. Sayang naman. Chance na 'to, oh. I-grab mo na. Huwag ka na masyadong pakipot, dude!"
Nakipagkita sina Rush at Joey sa akin. Akala ko naman kung ano ang sasabihin. Mag-o-offer lang pala ng kung anu-no. Nag-dikit ang kilay ko. Ba't naman ko ang napili nilang i-target?
"Sige na, 'tol. Magaling ka naman, eh." minasa-masahe pa ni Rush ang balikat ko. Ang gago, nambola pa. Na para namang magpapabola ako sa kanya.
"Dude, sige na!" panunuhol pa ng isa.
Tinanggal ko ang kamay ni Rush sa balikat ko at sinamaan sila ng tingin.
"Ba't naman ako ang napili niyong pag-tripan?" patamad kong tanong. "Mag-offer kayo sa iba. Huwag sa akin."