-
Blood
-
The blood in his face gave me a scare. Nang lapitan ko siya ay agad kong sinipat 'yon.
"Oh, God. What happened?" Parang maiiyak ako sa kaba at pagkawindang. Cy wrapped me in his arms protectively ,then he looked around us as if he was scanning the whole parking lot.
"Go inside my car, Anne." Matigas niyang utos. Ngunit hindi no'n naitago ang panik na maaaring pinipigilan ni Cy. May pagmamadali niyang binuksan ang pintuan ng kotse at pinapasok ako ro'n.
"Cy-" naputol ang kung ano mang sasabihin ko nang isarado niya ang pinto.
Nang sumakay siya sa driver's seat ay muli kong sinipat ang kanyang mukha. May pasa sa kanyang kanang pisngi at nagsisimula na itong mangitim. Sariwa pa ang dugo sa gilid ng kanyang lagi. Napansin ko rin na medyo magulo ang suot niyang polo at may bahid iyon ng dumi. Ang necktie niya ay halos matanggal na. Mas tumindi ang kabang nadarama ko.
Mabilis niyang pinaandar ang kanyang sasakyan palabas ng parking lot na parang may humahabol sa amin.
"Cy, anong nangyari?" Muli kong tanong.
"Fasten your seatbelt, angel." Nakatiim niyang sagot. Pumikit siya sandali at nagmura ng ilang ulit. "Fucking shit. Hindi na dapat ako tumuloy."
Lito man ay kinapa ko ang seatbelt sa magkabilang gilid ng upuan at sinuot 'yon. Muli ko siyang nilingon. Nababahala ako sa kanyang kinikilos. There is something wrong here. I want to know why he's acting so strange.
"Cy. . ." Muli kong pagtawag sa pangalan niya. "Anong nangyari? Sinong nanakit sayo? Ba't ka may pasa at sugat? Tell me. Napaparanoid na ako."
"I don't know." Umiling siya. "I don't know if they were just goons o mga tao ni Morris. I'm not sure." Nangangalit ang kanyang panga. Nagpula ang traffic lights kaya naman nagawa niyang lumingon sa akin. Ang galit na nakita ko sa kanyang mukha kani-kanina lang ay natabunan ng pag-aalala. Dinampi ko ang aking palad sa kanyang pisngi na may pasa.
"Binugbog ka nila? Ano pang ginawa nila sayo?" Kinakabahan ako sa kanyang isasagot. Kung mga tao nga iyon ni Morris, malamang ay pinasundan nito si Cy at maaring nagsisimula na itong kumilos.
Hindi sumagot si Cy. Tumingin siya sa rear view mirror at napamura ulit. Naguguluhan pa rin ako.
"Cy?"
Kinuha niya ang kanyang cellphone at nagdial. Malapit na mag-green ang traffic lights.
"Hello, track me. Emergency. Call my brother." Agad niyang binaba ang kanyang cellphone nang umandar ang sasakyan sa harap namin.
"Cy, anong nangyayari?" Nilulukob ng takot ang sistema ko. Na-f-frustate ako dahil hindi niya sinasagot ang mga tanong ko. And at the same time, parang gusto ko na magpanik. Pakiramdam ko ay may masamang mangyayari. Oh, God, huwag naman sana. . .
Lumingon sa akin si Cy pagtapos ay tumingin muli sa salamin. Tumingin na rin ako sa likod. May mga sasakyang nasa likod namin at meron ding mga motorsiklo. Bumilis ang pagpapatakbo ni Cy at napakapit ako sa aking seatbelt.
"Cy, slow down." Nagpapanik na ako. Bumaling ako sa kanya at gano'n din siya sa akin. Hindi na niya natago ang takot sa kanyang mga mata. Kung bakit iyon ang emosyong nakita ko sa kanyang mukha ay wala akong ideya. Hindi na maganda ang kutob ko sa mga nangyayari.
Nagfocus si Cy sa pagmamaneho. Mas bumilis ang takbo ng sasakyan at napapapikit na ako sa pag-t-take over ni Cy.
"C-cy!"