HTLAB2 - Chapter 11

40K 697 30
                                    


Leave

-


"Hanggang ilang araw ang bakasyon mo, hija?" tanong ni Dad habang nasa hapag kami at kumakain ng dinner. Bigla akong napainom ng tubig. Mataman na nakatingin sa akin ang mga magulang ko at naghihintay ng sagot.


"Five days lang, Dy." maikli kong sagot.


Nakita kong ngumiti si Mommy at tila nasiyahan sa desisyon ko. "You've been working like a dog for years. Dapat lang na magbakasyon ka muna to unwind. Right, hon?" baling nito kay Daddy. Tumango si Dad at nagbuntong hininga.


"Saan mo balak mag-bakasyon?"


Umiling ako. "Hindi ko pa alam, Dy."


"Out of town or out of the country? Your dad and I can arrange your ticket-"


Pinutol ko ang anumang sasabihin ni Mommy. "My, kaya ko na po 'yon."


Nagkibit balikat si Mommy at ngumiti. "Just offering if we can help."


Totoong hindi ko alam kung saan ako pupunta. Huminga ako ng malalim. Hindi ako mahilig mamasyal kaya wala akong alam na lugar na magandang puntahan. Hindi ko pa naitatanong si Cyfer.


Sandali akong natigilan at napatingin sa mga magulang ko na masayang nag-uusap. They don't have to know. For now. . .


Nagawa kong itago sa kanila ito noon. Iba ang sitwasyon ngayon pero iisang tao pa rin ang dahilan. Ayokong maging selfish pero dumadating pala sa punto na kapag mahal mo ang isang tao, kailangan mong magsakripisyo. Kailangan mong bitawan ang ilang pananaw na lubos mong pinaniniwalaan. Like what I'm doing right now.


Not that I give them a reason to change their mindset. No. Hindi ko rin 'to sinasabi para lang i-justify ang mga mali ko. This is a line between me and the society. May mga bagay na hindi magagawang intindihin ng karamihan kahit ilang beses kang magpaliwanag.


"Aalis ka pa? I thought, dito ka matutulog?"


"No, My. May dadaanan pa kasi ako. I have to go." humalik ako sa mga magulang ko. Hindi ko na sila binigyan ng pagkakataong magsalita.


Bumyahe ako papuntang ospital. Nangako ako kay Ram na pupuntahan ko siya.


Hindi ko alam kung tama ba 'tong nararamdaman ko na nagiging malapit na kami sa isa't-isa. Madali siyang pakisamahan. Sobrang gaan ng loob ko sa kanya na parang ang tagal na naming magkakilala. Pag kaharap ko siya, wala akong nararamdamang galit o pait katulad nung inaasahan kong maramdaman nung hindi ko pa siya kilala.


We chatted endlessly. Sobrang dami niyang kwento tungkol kay Cyfer. Wala na yung pagkailang. Wala na yung doubt. Nando'n na yung assurance na mabuting tao si Ram.


Napapayag ko siyang magpatreatment pero hindi sa ibang bansa kundi sa ospital namin. I'm happy that she considered my suggestion. Hopefully, maging maganda ang resulta at maging responsive ang katawan niya.

How To Love A Bastard ?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon