A/N : CYFER POV starting this chapter.
-
The Past
-
"Congratulations. You're officially a De Vera." Kinamayan ako ni Atty. Delgado at nginitian. Naramdaman ko naman ang kamay ng Ate ko sa aking braso.
"Let's throw a party!" Pumalakpak siya at parang batang sobrang ang tuwa sa nangyari. Nakangisi akong umiling.
Xandrei tapped my shoulder. "Kailangang mapakilala ka na namin sa board bago ang annual meeting."
Kunot-noo ko siyang nilingon. "Is it necessary?"
"Of course, you idiot! De Vera ka kaya dapat nasa DVI ang pangalan mo." Sabat naman ng bunso kong kapatid.
"Xandie is right. Though, mayro'n ka namang shares sa DVI lingid sa kaalaman ng mga board members, dapat ka pa rin naming ipakilala. Isa ka sa nagmamay-ari ng DVI. Kailangan ka nilang makilala, not as Madrigal but as a De Vera."
I was nineteen when I changed my name. Matagal ang proseso ng pagpapalit ng pangalan ngunit dahil kilala at hindi basta-bastang pamilya ang mga De Vera, nagawa nila iyon i-proseso ng masmabilis.
Hindi ko hiniling na mapabilang sa kanila. I have so many issues kaya naisipan kong bumalik sa Italy at umalis sa poder ng mga De Vera two months before I turn eighteen. Nagtrabaho ako sa farm ng uncle ko kung saan ginagawang wine ang mga berries. I rent a house near his farm para madali akong makapasok sa trabaho. At that time, hindi ko naisipang bumalik o magpakita man lang sa aking ina.
I want to live a peaceful life. Yung malayo sa gulo. Yung hindi ko maiisip ang insecurity ko.
Pero kahit anong takbo ko palayo sa magulong mundo, parati pa rin akong nahahabol. Wala akong takas.
So many things happened. Pinuntahan ako ni Ate Xandra at Xandrei sa Italy. They want to clarify some of the issues I had left. Mailap na ako sa kanila nung mga panahon na 'yon. Natakot uli akong magtiwala. Gano'n naman talaga, di ba? Pag kinakain ka na ng insecurities mo, hirap ka na magtiwala sa kahit kanino.
Akala ko ay tatantanan na nila ako ngunit hindi. Ilang beses nila akong binalikan. Hindi sila tumigil. They want me back. They want me to be a part of their family for the second time.
"You are a De Vera. You may not be born bearing our name but the blood in your veins are just like ours. Bakit nagtitiis ka rito sa Italy kung pwede ka namang sumama sa amin sa Pilipinas? You belong there!" My sister was too persuasive. Siya ang pinakamadalas na nagkukumbinsi sa akin na bumalik sa Pilipinas at lisanin ang Italy.
"Please, Cy. You should be with us. Ayos naman na kayo ni Xandrei , di ba? Bumalik ka na. Please."
"Please, sungit. Bumalik ka na." I got an overseas call from Xandie. Katulad ni Ate ay wala siyang bukambibig kundi ang bumalik ako.
That day, I started to reconsider going back. Pero hindi kayang lunukin ng pride ko na basta-basta na lang akong babalik sa kanila. Wala pa akong napapatunayan sa sarili ko. Nanliliit pa rin ako at punung-puno ng insekyuridad.
The next day, I got a visitor. Isang bisitang hindi ko gustong makita man lang. Morris.
"Uncle told me you work on his farm."
He still wears his most deceiving fake smile. Nasusuya ako sa pagmumukha niya. May gana pa talaga siyang magpakita pagtapos ng ginawa niya sa akin nung nakaraang taon. Nangangalit ang bagang ko sa pagtitimpi. Pinipilit kong huwag umalpas ang pagkamuhi ko sa kanya at magpadala sa emosyon.