HTLAB - Chapter 37

41.2K 644 78
                                    

A/N : READ BEFORE YOU VOTE. Leave some comments if you want. Don't mind my errors. Enjoy reading!

ANNE POV

"Buti na lang okay yung babae." napabuntong hininga ako habang nakaupo kami ni Rhea rito sa waiting area para sa mga volunteers na nagmemeeting pa raw sa ngayon.

Kung wala lamang kaming pupuntahan, gusto ko pa sana siyang ihatid. Okay naman yung babae. Nahimatay siya nang paliko na kami sa parking lot.

"Ang OA mo kasi, eh. Anong tingin mo sa akin? Hindi marunong magdrive? Saka bakit ba masyado kang concern do'n sa babaeng 'yon, eh hindi mo na naman siya kilala?" nakataas ang kilay ni Rhea habang nililitanyahan niya ako.

Nilingon ko siya ng may kunot sa aking noo. "Masama bang tumulong sa iba?"

Umikot ang mata ni Rhea at napailing. "Anghel talaga. Masyadong concern sa lahat. . ." bulong niya.

Huminga ako ng malalim. Kanina pa kami nagtatalo ni Rhea tungkol sa bagay na 'yan. Ano namang masama sa pagtulong ko sa isang taong hindi ko kilala? Ito kasing si Rhea may pagka-snob talaga at may I-don't-care-what-happens-to-the-world attitude.

Hindi naman kami nag-aaway ng malala. Para lamang kaming nagdedebate. Palibhasa, hindi nagtitiwala itong matalik kong kaibigan sa kung kani-kanino lang.

Nang dumating na ang mga volunteers na nurse at doctor para sa isang charity mission na pupuntahan namin, bumalik rin kami ni Rhea sa normal.

Hindi ko maintindihan ang sarili ko kung bakit hindi ko maiwasang isipin yung babae kanina. Parang gusto ko pa siyang makilala. . .

-

"Ipapaalam ko lang po si Anne. I asked her to have a dinner with me. Kung papayag po kayo, pwede po bang late ko na siya ihatid mamaya?" magalang na tanong ni Ren sa mga magulang ko. I crossed my fingers, hoping they would buy Ren's words. Ito ang naisip namin ni Ren para makatakas ako ngayong araw at makasama si Cyfer.

Ren and I exchanged glances. Hindi siya kinakabahan pero ako tensyonado. Napatingin ako kay Mommy na tila tinatago ang ngiti sa mga labi pero halata ang saya sa mga mata. Tumikhim naman si Daddy at matamang tinitigan si Ren.

"May relasyon ba kayong dalawa?"

Napanga-nga ako sa tanong ni Daddy. "Dad. . ."

"Wala po." mabilis na tugon ni Ren na tinapunan ako ng tingin bago dinugtungan ang kanyang sinabi. "Friendly date lang po."

"Date?" untag ni Daddy.

"Are you going to court my daughter, hijo?" singit naman ni Mommy.

Namutla ako. Mapapa-facepalm na sana ako pero mas pinili kong yumuko at tumingin sa sahig.

How To Love A Bastard ?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon