Napabuntong-hininga ako nang pumasok kami sa mall at mukhang nag-aaway pa dahil nakasimangot ako habang malapad naman ang ngisi niya. Hinahaplos pa ng kumag ang bewang ko na para bang natutuwa siya kasi galit ako. Kahit na nanginginig na ako sa haplos niya ay pinigilan ko ang sarili ko. Bahala na, mataray naman ako kaya magtataray ako."Ah, sh *t." nagmura na talaga ako nang napuno ako— kunwari o hindi rin yata. Hinampas ko siya gamit ang purse ko at umilag naman siya. Nakaagaw pa kami (o ako lang yata) ng atensyon. But I really do not mind! Naiinis lang naman ako kaya dapat walang makikialam. Ewan ko ba kung bakit pero kahit na best friend niya si Veronica ay ayaw kong niyayakap niya ito.
"Hala, 'wag naman!" tinakpan niya ang mukha niya nang muntik ko na siyang hampasin doon.
"Kainis." bulong ko sa sarili ko at iniwan siyang nakangisi roon. Ang sarap supalpalin ng bawat taong nakakasalubong ko ngayon! Nakakainis talaga. Bukod na nga sa nagseselos ako, naiinis pa ako sa mga usisero't usiserang tumitingin sa nakabusangot kong mukha.
"Babe- I mean, Ave, don't be so violent.." humalakhak si Damon habang sumasabay sa lakad ko. "Feeling ko kasi sine-seduce mo ako."
Nalaglag ang panga ko at napatigil ako. Nilingon ko siya ang naiiritang ekspresyon. "I am not seducing you."
At isa pa, nakakainis dahil binalik niya ang issue'ng tinawag ko siyang "babe" na hindi ko naman sinadya. Feeling boyfriend din kasi naman ang mokong kaya ganon na lang kung umasta. Nagkatitigan kami at kumindat siya. Ang sarap tusukin ng barbecue stick ng mga matang iyan!
"I really wanna slap you..." sabi ko at padabog na sumakay sa escalator papunta sa taas kung nasaan ang sinehan.
"First date, Avery." may bumulong sa tenga ko. Tumindig ang mga balahibo ko pero hindi ko 'yon pinahalata.
Nilingon ko si Damon, "Tumigil ka na, ah? Baka masampal pa kita."
Tumawa siya at nagpasalamat ako nang hindi niya na ako kinulit pa. Ewan ko ba kung ano ang tumatakbo niya.
"Ano bang papanoorin natin?" nilingon ko si Damon pagkatapak ko sa palapag kung nassan ang sinehan.
"Hmmm... anything you want." aniya. Kumalma naman ako sa sinabi niya. Well, I don't wanna ruin our first date pero hindi ko lang talaga mapigilan ang sarili ko.
"Uhmm.. ito na lang." Tinuro ko ang isang poster ng movie kung saan kasama si Owen Wilson.
"Alright." ngumisi siya at hinapit ang bewang ko. "But first, we need to buy something to eat."
Tumango ako at sinubukang alisin ang kamay niya sa bewang ko.
"Just for now?" dinungaw niya ako. Oo, dinungaw. Matangkad nga kasi ang mokong. Kung matangkad ako, mas matangkad pa rin siya.
Napabuntong-hininga ako at hinayaan na lang siya sa gusto niyang mangyari.
Habang nakapila kami ay talak pa rin siya ng talak na parang manok. Panay ang talak niya tungkol sa mga bagay na pinaggagagawa nila ni Sammy at Ara kapag pumupunta ang dalawa sa condo unit niya. Like I care.
Kaya noong kami na ang nasa atapat ng counter ay ako na ang um-order dahil masyado siyang pre-occupied sa pagsasalita. Habang nag-oorder ako ay napansin ko ang titig ng babae sa katabi kong maingay.
"Miss!" hinampas ko ang counter. "Pakibilisan, pwede? Masyadong masakit sa mata ko 'yang hitsura mo."
Ngumiti sa akin ang babae at kumuha na ng popcorn at 'yong drinks na in-order ko.
"Pakidala." inabot ko kay Damon ang bucket ng popcorn.
"Ikaw na ang magdala. Hindi kita niyan mahahawakan." aniya.
" Ano ako? Bata na kailangan pang hawakan para hindi makawala?" Kumunot ang noo ko.
"Please?" nagpa-cute ang mokong.
"Fine." umirap ako.
Nang ako na talaga ang humawak sa mga pagkain ay pinirmi niya ang kamay niya sa bewangko na para bang anytime na binitawan niya ako ay kakaripas ako ng takbo. I say, medyo possessive siya at territorial.
Habang bumibili kami ng ticket ay panay ang mahinang tilian ng iilang babae sa likod. Ano na naman kaya ang ginagawa nito? Nilingon ko si Damon at nakitang nakanguso lang naman siya habang nakatingin sa gilid. Wala naman, ah?!
Pagkatapos bumili ng ticket ay sabay na kaming pumasok sa sinehan. As usual, madilim ito at mahirap tignana kung saan ka aapak.
"Careful." sabi ni Damon habang paakyat kami patungo sa pinakalikod at pinakamataas na seats.
Umupo na ako at inilapag ang drinks at popcorn. Sobrang kulit ni Damon habang hindi pa nagsisimula ang movie kaya naiirita ako. Bwisit talaga ang isang ito.
habang pinapanood ko ang trailer ng isang action movie ay hinipan niya ang tenga ko kaya nilingon ko siya.
"Ano ba?" mahina kong singhal.
Ngumisi siya at kinindatan ako. Inilapit niya ang mukha niya sa akin kaya bahagya akong lumayo. Mas lumapad naman ang ngisi ng mokong. Kahit madilim at kita ko pa rin ang ngiti niya at ang nakapikit niyang mga mata habang inilalapat ang ilong niya sa ilong ko at gumalaw. Ang cute ng mokong! Sa sobrang cute, ang sarap nang kurutin ng nail cutter.
"Hay, naku! Ang kulit mo!" itinulak ko ang mukha niya palayo.
Sobrang lapad ng ngiti niya na para bang ngayon lang talaga siya naging ganito kasaya. Ewan ko ba, masaya rin akong kasama siya.
"Ang ganda mo talaga.." bumuntong-hininga siya at humilig sa balikat ko.
Sanay na akong sabihan ng ibang tao na maganda ako. Pero kapag si Damon na, iba na ang impact sa akin. 'Yong parang siya ang kauna-unahang tao na nagsabi sa akin ng ganon.
Being in love isn't really necessary. Hindi siya pinagpaplanuhan. It just comes. Bigla-bigla itong darating sa buhay mo. Habang hindi ka pa nai-in love, akala mo hindi totoo ang pag-ibig. Pero once na maranasan mo na ito, malalaman mo ang mga bagay na kaakibat nito. Love isn't just about being happy. Kapag nagmahal ka, hindi puro saya ang mararamdaman mo. May mga oras din na masasaktan ka o malulungkot. But it's either you'll fight or just give up. Ika nga, take a chance and risk it all, or just give up and suffer defeat.
Kung mahal mo ang isang tao, kaya mong magparaya para lang maging masaya siya. You need to make him or her happy even though it'll hurt. 'Di bale nang masaktan ka, basta maging masaya lang siya. 'Di bale nang magmukha kang tanga. 'Di bale nang walang matira sa'yo pagkatapos mong sumugal. Dahil sa pagmamahal, it's either you make yourself happy or you make the one you love happy.
Nilingon ko si Damon at nakita kong nakatitig siya sa akin, nakangiti. Todo ngiti talaga siya ngayon.
Nginitian ko rin siya at sinandal ang ulo ko sa ulo niyang nasa balikat ko. I'll never regret this.
BINABASA MO ANG
Like a Boss
RomanceAvery Katerina Valderama has it all; beauty, wealth, wits... oh, just minus the good heart. She lives her life in luxury, making her world revolve around her and her capriccios. As karma crashes through everything in her way, she wonders: is this t...