13 : Pinsan

1.8K 29 0
                                    

profanities ahead!!

***


Kinabukasan, pagdating ko sa office, may nakita akong brown na Vios. May lalaking nakahalukipkip at naka shades habang nakasandal sa kotse niya. He looks familiar. Pero tss. Ang liit ng kotse ganun makaporma? Like, what the heck? By the way, sinara ko na ang pinto ng kotse ko at naglakad na papunta sa building nang may humila sa akin ng malakas. Nakasandal ako sa kanya at itong lalaking 'to, nakahawak sa bewang ko! Nananamantala!

"Let go!" sabi ko at hinampas yung dibdib niya.

"No." umiling siya at tinanggal ang shades niya. Oh, it's Damon Valdez.

Nagkatitigan kami hanggang tinulak ko siya ng malakas. Muntik na siyang matumba. Hahahaha! Good for you! 'Yan kasi, nananamantala! I smirked at him and started to walk away. Tss. Walangya talaga. Tumabi siya sa akin. Inakbayan niya ako at sumabay na sa paglalakad.

"Ugh!" tinanggal ko 'yong braso niya. "You think it's not heavy?!"

"Yup, I think it's not heavy." ngumisi siya.

Dun ko lang namalayan na nasa tapat na pala kami ng entrance ng building dahil may umubo sa likod ko. Hindi ko siya pinansin at sinamaan nalang ng tingin si Damon. Umubo pa ng pagkalakas-lakas ang nasa likod ko kaya nilingon ko na siya. Tss. Ibang pabigat. Sino pa ba? Edi si Garret "walang modo" Garcia.

"What now?" Tinaasan ko siya ng kilay. Ngumuso siya sa taong nasa tabi ko. Tinignan ko naman ang tabi ko at nakita ang nakakunot-noong si Damon na nakatingin kay Garret.

"What's he doing here?" tinuro niya si Damon. Nakakunot-noo na rin si Garret.

"Uhh...." Pabalik-balik kong tinignan ang dalawa na parehong nakakunot ang noo habang nagtatapunan ng masasamang tingin. What's with people these past few days?

"What's he doing here?" tinuro rin ni Damon si Garret na nakaturo sa kanya. Narinig kong nagmura si Garret.

"Guys....." sambit ko.

"What the hell, dude?" tinulak ni Garret si Damon.

"Fuck you, man!" tinulak pabalik ni Damon si Garret. Inawat sila ng guard pero nagsusuntukan na sila.

Okay, I feel stupid here.

"Stop it!" ngayon, ako na ang pumagitna sa kanila. Hinawakan ng guard si Garret habang hinawakan ko naman at kinurot si Damon.

"Ow!" sabi niya habang hinihimas ang braso niyang kinurot ko. Tinaasan ko lang siya ng kilay. Actually, 'di pa 'yan enough.

"Garret." tinawag ko si Garret at naglakad siya papunta sa akin. Pero, laking gulat ko nung nilagpasan niya ako. And guess what? Pinuntahan niya si Damon at agarang sinuntok sa pisngi. What's happening?

Can someone tell me what's happening? Is this World War III. Kung oo, sayang! 'Di ako nakapaghanda ng grenades, guns, knives, and deadly weapons to kill these people. Okay, kahit ganito, nagawa ko pang magbiro. Para naman ma GV tayo. Okay! back to reality..

"Tang ina mo! Magpinsan tayo! Tang ina!" Nagulat ako sa sinigaw ni Damon. Magpinsan sila, e nagsusuntukan!

"Don't you dare mention it again! Matagal ko nang kinalimutan na magpinsan tayo! Gago!" Sigaw rin ni Garret na sobrang galit. Sinusuntok niya si Damon na duguan na ang labi at ilong.

"Ikaw lang ang nakalimot!" sabi ni Damon at tinulak si Garret. Napa-upo si Garret sa sahig. "Mag-memo plus gold ka!"

"Shut this hell up!" nagulat sila sa sigaw ko. "Marami akong problema. Kaya please lang, 'wag na kayong dumagdag."

'Yon ang huling salitang binitawan ko sa kanila. Sumakay na ako sa kotse ko.

Oo, uuwi ako.

Like a BossTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon