01 : Perfume

7.5K 84 1
                                    




Wala akong trabaho ngayon. Holiday kasi. Independence Day ng bansang sinilangan natin.

Naglalakad ako sa mall nang may nakita akong boutique ng mga mamahaling perfume. My favorite! Mabagal kong itinakbo ang distansya nang may nakabangga akong lalaki.
Matangkad, payatot, at syempre, ubod ng kapangitan!

"Tumingin ka nga sa dinadaanan mo!" singhal ko rito. I feel insulted meeting this kind of man!

"Miss beautiful, easy lang." ngumisi siya. "Ikaw nga 'tong hindi tumitingin eh."

"Wow! Ako yung hindi tumitingin? Wow lang! Kung tumitingin ka, di ka sana nabangga. Or....." naningkit ang aking mga mata. Mas lumaki naman ang kanyang ngisi. "Did you do that on purpose?"

"Easy lang..." tumawa siya at aroganteng inilagay ang kanyang kamay sa bewang. "Baka ikaw. Maybe you did that on purpose."

I won't talk to this guy again. His breath seriously smells like trash!

At ang landi pa ng isang 'to! Kala mo naman kung sino! Panget na nga, malandi pa! Yuck! I would rather die than to have a face like his!

Ngumiwi ako. "Ew! Ang kapal ng mukha mo! Do you know who am I? I'm Avery Katerina Valderama..." nanlaki ang mga mata niya at nabura ang ngising kanina'y naglalaro sa kanyang labi. "..and I can ruin your life. I'm sure you know that."

"S-sorry po." nauutal niyang paumanhin. See? Ganyan ang epekto ng isang Valderama sa mga tao.

Bakit nga ba ganyan? Well, let me explain, una, mayayaman ang mga Valderama at kaya naming manira ng buhay. Pangalawa, makapangyarihan kami, malamang. At pangatlo, our family is a clan of successful lawyers, government officials, name it. So no one would ever dare to mess sith any of us. Tanging mga kasing yaman lamang ang nangangahas na kalabani kami.

Ngumisi ako at bumulong sa kanya ng, "Don't you dare mess with a Valderama. Kuha mo?" at iniwan ko na siyang tulala doon. Napangiwi naman ako habang naglalakad. He really had a weird smell.

Nang nakarating ako sa boutique ng mga perfume, agad akong binati ng mga tao doon. "Hi, ma'am! Wanna see our new perfumes?"

Teka, maybe I should buy a perfume for that ugly-slash-stinky boy that I just met.

"Sure!" ngumiti ako at sinundan ang isang babaeng maputi at pandak na medyo mataba. Err, how ugly!

"Ito po 'yong new arrivals namin, ma'am. Victoria's Secret, Lady Million, at Lacoste." Aniya habang pinapakita ang naka-hilerang perfumes.

"Uh-huh." Tumango ako. "I prefer Victoria's Secret."

"Pero ma'am, mas mabango po ito." sabi niya habang winawagayway ang mas mamahaling perfume.

"I said..." kinuha ko ang perfume na hawak niya "I prefer Victoria's Secret!" at itinapon ko ang perfume. Syempre, nabasag iyon at nakalat. Tumingin lahat ng tao sa loob ng boutique sa amin at ang iba naman ay natigilan sa mga ginagawa nila. "Sino ba ang bibili? Ikaw ba? Hindi!"

"How dare you throw that expensive perfume!" halos sigawan niya ako habang pinupulot ang mga basag na bahagi ng bote ng perfume.

"How dare me? Hah! Para maiba naman, how dare you shout at a Valderama!?"

I don't feel ashamed at times like these. Madalas akong nasasangkot sa mga ganitong bagay at hindi na iyon bago sa akin. People would pretend they don't care once they know who I am. Or even just my family name.

"Don't expect me to believe you! Wag na wag mong gamitin ang mga Valderama!" singhal niya sa akin at tumigil sa pagpupulot. She called a janitor and stood up.

Bago ako nagsalita, isa-isa ko munang tinignan ang mga tao sa paligid. "May pa-english english ka pang nalalaman. Tss. You're making yourself embarrassed." at kinuha ko ang ID ko galing sa bag ko.

"Siguro naman nakakabasa ka." Ngumiti ako sa matabang 'yon. "See for yourself."

Tinignan niya ang ID ko at habang tinitignan niya ng paulit-ulit ang infos tungkol sa akin ay napapaluha siya. Embarrassed much, piggy?

Tinitigan niya ako bago siya yumuko. "I'm sorry, ma'am Avery Katerina.... Valderama." What's the matter? Nawala na ba ang self-confidence mo, hija?

"Out of self-confidence, huh? I almost feel sorry for you. How many times do I have to say you wouldn't dare mess with a Valderama?" tinignan ko ang mga tao sa paligid. Humalukipkip ako at tinaasan ng kilay ang bastos na sales lady. Her head stayed down and I let out a mocking laugh. "Stupid girl."

And with that, I stepped out of the boutique flawlessly like nothing happened.

Like a BossTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon