Nakarating na kami sa Mayfair Tower. Pinagbuksan ko siya ng pinto at tinampal-tampal. Nakaidlip na naman ang mokong!
"Hey!" sinampal ko siya.
"Huh?!" nagising siya at ngumisi agad nang nakita ako.
"We're here! Bumaba ka na! Dali!" hinila ko siya palabas.
"Teka, 'yong seat belt!" tumawa siya at tinanggal na ang seat belt bago bumaba. Inakbayan niya agad ako.
"Ano ba?! Nakakairita!" utas ko at tinanggal ang braso niya sa balikat ko.
"Ah! I forgot!" tumawa siya at pinulupot ang braso niya sa bewang ko. "Ito? 'Di nakakairita?"
"Bwisit ka talaga!!" Tinanggal ko rin ang braso niya sa bewang ko. Sh*t! Ninerbiyos ako doon, ah!
"Saan ba kita hahawakan?" tanong niyang bigla kaya natigil ako sa paglalakad. "Oh? Bakit? Why are you stopping?"
Manyak talaga!
O baka ako lang ang green-minded dito?
"Will you just shut the f*ck up?" tinignan ko siya ng masama bago pumasok sa loob ng building ng condo.
"Masamang magmura.." tumatawa niyang sinabi at naglakad ng paekis-ekis papunta sa elevator. He's not just tipsy. He's drunk.
At kung makapagsalita, akala mo 'di siya palamura. Tsk.. Freak.
"Anong floor ka?" Tanong ko nang nasa loob na kami ng elevator.
Hindi siya nagsalita at ngumisi na lang. Pinindot niya ang '2' sa mga buttons ng elevator.
"2nd floor?" takang tanong ko.
"Ah? 20th!" ngumisi pa siya.
"Eh ba't '2' pinindot mo?" tanong ko.
"Edi '20!'" tumawa siya at pinindot na ang '20.'
Napangiti ako. Ganito pala siya kapag lasing? Still sweet at makulit. Pero mas manyak.
Bumukas ang elevator sa 2nd floor pero sumara rin kaagad.
Lumapit siya sa'kin at dahan-dahan akong tinulak. Napasandal ako sa dingding ng elevator. What the f? Alam ko rin kung anong mangyayari after this! Pero bakit 'di ko magawang itulak siya?
Nilapit niya ang mukha niya ng nakangiti. Sobrang lapit na sana pero biglang tumunog ang elevator, hudyat na nasa 20th floor na kami.
"Uh, hey! We're here!" sabi ko at tinulak siya. Wala sa sarili akong lumabas ng elevator at hinintay siya.
Bakit parang nabitin yata ako? Ugh! I really, really hate it!
"Anong room mo?" tanong ko nang nakalabas na rin siya sa elevator.
"2035." sagot niya at naglakad ulit ng paekis-ekis. Nabangga pa siya sa dingding kaya natawa siya. Lasing nga siya. Napailing na talaga ako.
Tumigil siya sa pintuang may 2035. Sinulyapan niya ako ng nakangisi. May kinuha siya sa bulsa niya at nabuksan niya na ang pinto ng condo unit niya.
"Ladies first." ngumisi siya at inilahad ang pintuan.
"No." umiling ako. "Ikaw lang ang papasok. Hinahatid lang kita. Sleep well." sabi ko at tinalikuran na siya.
Ikaw lang ang papasok dahil baka may magawa pa ako. Baka may magawa pa akong ayaw kong gawin pero gugustuhin pa rin.
"Just a moment." Sambit niya at hinila ang braso ko. Sa isang iglap, hinalikan niya ulit ako. Smack. "Thanks."
BINABASA MO ANG
Like a Boss
DragosteAvery Katerina Valderama has it all; beauty, wealth, wits... oh, just minus the good heart. She lives her life in luxury, making her world revolve around her and her capriccios. As karma crashes through everything in her way, she wonders: is this t...