Nang nagsimula na ang palabas ay pareho kaming napaayos ang upo. Seryoso akong nanonood at halos 'di ko makain ang popcorn na hawak ko."Hey..." siniko ako ni Damon.
"Ano?" Sabi ko nang hindi siya nililingon.
"Ang boring." Narinig ko ang mumunting halakhak niya. Kapag ba bored ay kailangang ideklara? Hindi ba pwedeng itago na lang sa sarili?
"Hindi naman, ah?" Nilingon ko siya. "Hindi mo lang pinapanood ng maayos kaya sinasabi mong boring."
Napanguso siya sa sinabi ko. Inirapan ko na lamang siya at nagpatuloy sa panonood. Paminsan-minsan ay sumusubo ako ng popcorn kapag naaalala ko.
Sumulyap ako sa katabi kong si Damon. Nakatingin lang siya sa akin, ni hindi na nga tinitignan ang screen!
"What?" Kinunot ko ang noo ko at sumubo ng isang piraso ng popcorn.
"Nothing." Umiling siya at ngumisi.
Inilahad ko sa kanya ang bucket ng popcorn ngunit inilingan niya lamang iyon. "Edi 'wag." At nagpatuloy sa panonood.
Ang cute ni Owen Wilson. Lalo na kapag pinuna mo ang magulo at slightly blonde niyang buhok.
"Kailan mo ako sasagutin?" Bulong ni Damon sa kalagitnaan ng panonood ko. Will he just shut up?
"Ewan." Nagkibit-balikat ako.
"Pwedeng ngayon na?" He chuckled.
"It depends.." nilingon ko siya.
"Depends on what?" Kumunot ang noo niya at napalunok.
"Secret." Ngumisi ako.
As if na sasagutin kita ngayon.
"Sana naman ngayon na.." bulong niya sa sarili.
Mas lumapad ang aking ngisi at ininuman ang Coke-in-can na binili kanina. Pagkatapos ko iyong inilapag ay kinuha niya naman at ininuman.
"May isa pa naman, ah? Bakit mo ininuman 'yong akin?" Mahina kong tanong para hindi makaistorbo sa ibang nanonood.
"Wala lang." Aniya. "Indirect kiss."
"Ulol." Bakit ka naman iinom niyan kung pwede namang ako ang direkta mong halikan? Bwisit, ang halay ko nang mag-isip.
Nag-iwas ako ng tingin at nagpatuloy sa panonood kahit na hindi ako makapag-concentrate dahil alam kong nakatitig siya sa akin at dahil na rin sa mahalay kong pag-iisip.Kung maghalikan kaya kami? Wala naman sigurong makakapansin, 'di ba? Umiling-iling ako. Ano ba naman itong iniisip ko? Ang halay. Hindi man lang ako nandiri sa sarili ko.
Habang ngumunguya ng popcorn ay dahan-dahan akong sumulyap kay Damon. Habang nakatingin ay napansin kong hindi sa mata ko ang titig niya, kundi sa labi ko! Ganoon ba talaga kapag maganda? Nang kinagat niya ang labi niya ay tumigil ako sa pagnguya. Bahagya pa siya napatalon sa gulat at halos hindi magkaugaga sa pagtingin sa screen. Nahiya pa ang manyakis.
"Nahihiya ka pala?" Ngisi ko habang nakatingin sa kanya.
"Huh?" Lumingon siya sa akin. "Anong sinasabi mo?"
"Nagmaang-maangan ka pa talaga? Nakita lang naman kitang nakatitig sa labi ko at usually ay hindi ka naman nag-iiwas ng tingin. So, why now?" Tinaas ko ang kilay ko, nakangisi pa rin.
"Ah. Iyon ba?" Ngumiti siya, naiilang. Kung batukan ko kaya ito?
Inilapag ko ang popcorn sa tabi at inilapit ko ang mukha ko sa kanya habang may kung anong inaabot sa kanyang gilid. Ang nanlalaki niyang mga mata ay napapikit nang ilang pulgada na lang ang distansya namin. Ang sarap asarin ng mokong, ah.
BINABASA MO ANG
Like a Boss
RomanceAvery Katerina Valderama has it all; beauty, wealth, wits... oh, just minus the good heart. She lives her life in luxury, making her world revolve around her and her capriccios. As karma crashes through everything in her way, she wonders: is this t...