Alam kong sabaw yung naunang chapter dito! Pero mas sabaw to. Dejk lol Hahaha wahahah tahaha XD Oo, grand finale na po ito huehue. Bye. Thank you for everything :) Hope you'll enjoy this! :D
* * * *
Pagkatapos ng pagtatalo namin ni Kuya ay hindi na ako nakatulog pa.
I spent all night crying and thinking about everything. Lahat ng kinimkim kong galit para sa kapatid ko ay binuhos ko sa iyak na 'yon. Simula noong wala siyang ginawa kahit na alam niya ang sinapit ko kay Jaden, hanggang sa nangyayari ngayon.
But that cry wasn't just for him. It was also for the love that just started but ended up being shattered.
Akala ko ay magiging masaya na ako gayong kasama ko siya. But then people around us didn't want us to be together. Well, some of them.
Hindi ako umiimik habang pinapanood ang aking mommy na inilalagay ang iilan kong damit sa luggage. I don't care about the clothes she's putting inside it. I don't care about everything.
"Sabayan mo na ang kuya at daddy mo sa pagkain sa baba. You look tired," sabi ni mommy sa akin.
Umiling lamang ako at tinitigan siya. Mahapdi ang mga mata ko dahil buong gabi akong umiyak. Siguro nga ay isa at kalahating oras lang ang tulog ko dahil ginising ako ng kapatid ko ng maaga para mag-impake. Ni hindi ako gumalaw kaya si mommy ang gumawa non para sa akin.
Iniisip ko ang mga maaari kong gawin para hindi makasama sa London. Ayaw kong umalis ng basta-basta. Pero paano ko iyon gagawin? Panigurado ay bantay-sarado ako.
"Cheer up now, okay? Everything will be fine," malungkot na ngiti ang ibinigay sa akin ni mommy. Hinaplos niya ang aking buhok, "I'm sure Damon will understand."
"Yes, he will. Ganon naman 'di ba? Kapag alam niyong ayos lang sa ibang tao ay ipagpapatuloy niyo kahit na mali at nakakasakit. Ganon naman 'di ba, mom? Ganon?" Nabasag ang boses ko.
Being too nice is not good. Kapag masyadong mabait ay aabusuhin ka. Kapag naman masyado kang masama ay huhusgahan ka ng mga tao. The world is unfair. Very unfair that no one had the chance to live without getting hurt.
"I'm sorry, Avery. I tried to help but your dad is just so stubborn. Ayaw niyang makinig sa akin. His mind is so clouded with what your brother said," pinalis ni mommy ang luhang lumandas sa aking pisngi. Hinayaan ko siyang gawin iyon. Niyakap niya ako at mas lalong umagos ang luha mula sa aking mga mata. I just feel so fucking helpless.
"I just wanted to be happy..." hagulhol ko.
One thing about the world is that you can't be happy without people getting in your way. 'Yong tipong ang saya na sana ng araw mo pero biglang may susulpot at sisirain ito. Iyong ang saya mo na pero biglang may punyetang epal na manggugulo.
Maya-maya ay may kumatok sa pinto. It was my brother. Walang emosyon ang kanyang mukha nang pumasok siya sa aking kwarto. Mabilis akong nagpunas ng luha.
"Bilisan mo. We'll be leaving in 30. Kailangan na nating pumunta sa airport," aniya.
Lumabas na siya at sumunod si mommy. Wala akong ibang magawa kundi ang ihanda ang aking sarili.
Mabilis akong naligo at nagbihis. Wala akong pakialam kung ano ang sinuot ko. Basta kung ano ang una kong mahahablot sa mga natitirang damit ko sa closet ay iyon na.
"Mom, dad, alis na po kami," wika ni kuya. Tumayo siya nang namataan ang aking pagbaba. Kinuha noong driver namin ang maleta ko sa itaas. Sumusobra naman sila kung ako pa ang magbababa, hindi ba?
Niyakap ko si mommy at nilagpasan si daddy na parang wala lang siya. I'm just too mad at him right now. Ayaw ko siyang tingnan dahil makikita ko ang mga mata ko. And I might even tell him things I shouldn't be saying.
BINABASA MO ANG
Like a Boss
RomanceAvery Katerina Valderama has it all; beauty, wealth, wits... oh, just minus the good heart. She lives her life in luxury, making her world revolve around her and her capriccios. As karma crashes through everything in her way, she wonders: is this t...