"Wag na! Treat ko nga diba?" He grinned widely."Why would it be your treat? Close ba tayo? Ah! I get it. Feeling close ka pala," tumigil ako sa paglalakad.
"Close na ta-" hindi niya na ito natapos kasi kumulog na at umambon ng konti.
Shoot! Wala pa naman akong payong. Valderama tapos walang payong? Ugh! Kung swerte nga naman!
"Here..." nakita ko nalang na may dala nang payong si Damon. Damon, 'di ba?
"Thank you. But you can use it yourself," umirap ako at hinayaan ang mamahalin kong damit at sarili na mabasa sa mas lumalakas na ambon.. Or should I say, ulan na ito.
Nagsitakbuhan ang ibang tao at ang iba naman, relax at chill lang habang nakapayong. Lumalakas na ang ulan at ang alon ay lumalaki na rin. Sumasayaw na ang mga puno dito sa may sidewalk dahil sa hangin. It feels so nice. Sana naging bata nalang ulit ako. Napangiti ako at pumikit. This is what I love about the rain.
Dumilat ako dahil nagsalita siya,
"Ito na. Alam kong ayaw mong makisukob sa'kin. Use my umbrella," inilapit niya ang payong sa akin pero naiwan ang kanyang katawan kaya medyo nababasa na rin siya.
"Not interested. Tatakbo nalang ako," pinapahiran ko na ang sarili ko gamit ang mga basa kong palad. It's not even helping, obviously.
"Sige na," pagpupumilit niya.
"Use it yourself. Hindi mo ba makuha?" Maarte kong sinabi bago tumakbo palayo. Iniwan ko na siya roon. Ayoko naman na ako lang ang magpapayong at siya, mababasa. Ayaw ko rin namang makisilong sa payong na hindi sa akin kaya tumakbo nalang ako.
"Valderama, wait!" I heard his call pero nagpatuloy na lang ako sa pagtakbo papunta sa kotse ko.
Ilang sandali, nakita ko na ang kotse ko. Wala na si Toyota cheap Camry. Thank God! Kinapa ko ang bag ko at kinuha ang susi roon. Pagkapasok ko sa kotse, tumutulo parin ang mahaba kong buhok at ang mint-green kong damit. It's in a darker shade now.
"Kung sana hindi ka na nagpaiwan, payong!" Para akong baliw na kinakausap ang payong ko at hinahampas ito.
May narinig akong pagkatok sa bintana ng driver's seat. Tumigil ako sa paghampas ng payong ko at nilingon ang kumakatok. Wow, he followed me through here.
Kinuha ko ang cellphone ko at dinial ang number niya. Nalaman ko ang number niya kasi nung tinanong ko siya ng full name niya, sinearch ko 'yon sa Facebook. Nakita ko ang number niya roon kaya sinave ko nalang.. para kapag may ninakaw siya, mate-trace ko kaagad. We should not trust people nowadays, no matter how good they look.
"Hello, who's this?" Bungad niya sa akin.
"This is Valderama, stupid. Anong kailangan mo?" Tanong ko habang tinitignan siya sa labas ng kotse. He looked at his phone before grinning
"Oh, Valderama. Ikaw ang tumawag tapos ikaw rin ang magtatanong kung ano ang kailangan ko?" He chuckled. Tinted 'tong kotse ko kaya hindi niya ako makikita pero paano niya nalaman na akin 'to unless he's a stalker or he saw me entering this car.
"Poor intellectual," I mumbled. "What I mean is, ano ang ginagawa mo riyan?"
"Oh. I assume this is yours?" Aniya. Itinaas niya ang isang pulseras at agad kong namataang akin nga iyon.
I was wrong. Hindi naman pala siya magnanakaw. Pero pwede pa rin. Potential thief.
"Yeah, you assumed well." Binaba ko ang bintana ng kotse ko at pinutol ang linya. Kinuha ko ang bracelet ko sa kamay niya, "Thanks," at pinaharurot na ang kotse ko.
Nang nakarating na ako sa bahay, doon ko narealize na dapat pala hinatid ko nalang si Damon. At narealize ko rin na dapat hindi ko siya ihatid. I mean, why would I do that? Ano siya, sinisuwerte? Not in his life! Pero medyo na-guilty parin ako sa ginawa kong pang-iiwan. Binalik niya nga 'yong bracelet ko, iniwan ko naman siya. I must've stepped on his ego or something.
Tinignan ko ang bracelet ko at nakita kong nasira ito. Naputol ang lock.
Di man lang ako nakapag-thank you ng maayos kay Damon. Pero okay lang iyon. I don't really care.
Why would I care?
BINABASA MO ANG
Like a Boss
RomanceAvery Katerina Valderama has it all; beauty, wealth, wits... oh, just minus the good heart. She lives her life in luxury, making her world revolve around her and her capriccios. As karma crashes through everything in her way, she wonders: is this t...