20 : Bumped

1.3K 17 0
                                    


Umuwi na rin ako kahit hindi pa tapos ang party. Hindi ko na rin nakita si Garret paglabas ko sa building. Nabwisit yata sa presensya ni Damon at nagsuicide.

Hindi parin bumabalik si mommy at daddy. Ang alam ko, nasa France sila ngayon. Magta-tatlong buwan na sila doon. Miss ko na din sila.

Since walang office bukas, manonood ako ng movie 'til midnight. Ako lang. Pinili ko ang I am Sam. 45 minutes na akong nanonood sa kwarto ko. Tinignan ko ang wall clock at 11:57 na. Naiyak ako kanina. Siguro next time, ipapanood ko 'to sa office at kay Da- again, bakit ko ba siya iniisip?

'Di nagtagal ay natapos na rin ang movie. Namumugto ang mga mata ko. Pumunta ako sa cr at tinignan ang repleksyon ko sa salamin. Namumugto ang mga mata ko at namumula ang ilong ko. Nagshower muna ako bago matulog. Pagkatapos kong magshower, nagbihis na ako at pinatay ang ilaw sa kwarto ko. Ang ilaw na lang sa lamp na nasa gilid ng kama ko ang maliwanag. Ready na akong matulog nang magvibrate ang phone ko.

Kinuha ko ito at binasa ang isang text message ni Damon.


Damon:

Garret's here. He's drunk.


Mabilis akong nagreply.


Damon:

What do you want me to do? 'Di ko siya responsibilidad.


Naghintay ako sa reply niya at naupo ako sa kama.


Damon:

He told me to stay away from you.


Me:

Tigil-tigilan niyo ako sa pambubwisit ah. Pagod ako. Hanggang sa pagtulog ko, bubwisitin niyo ako? Matutulog na ako. You're not my responsibility.


'Yon na ang last na sinend ko at pinatay ang phone ko. Mga bwisit. Kitang pagod ako eh. Nanggugulo pa. Bahala na sila doon. Kaya na nila 'yon. Ba't pa ako dinadamay? Sino ba ako sa buhay nila?

Dahil sa pag-iisip, hindi ko namalayan na nakatulog na ako.

Kinabukasan, nagising ako ng maaga. It's still 5:30 am and I'm already wide awake.

Bumaba na ako para magluto ng breakfast ko. Of course I know how to cook. Hindi naman ako ganoon ka-bossy sa bahay. Sa office lang.

Natapos na akong magluto at kumain. At syempre, bumalik na ako sa taas para magshower at mabihis.

Now, what to do? Magmumukmok ba ako dito sa bahay? Mall? Of course I'll pick mall. Baka mabaliw ako sa pagmumukmok.

Nagbihis na ako ng jeans at blouse. Syempre, maghe-heels parin ako kahit naka-jeans.

Paglabas ko ng bahay, naalala ko, may yupi pala ang Mercedes Benz ko! Kaya ayun, 'yon ang dinala ko at pinaayos muna 'yon sa shop na malapit lang sa mall.

"Kuya, magkano?" tanong ko.

"10,000 pesos po, ma'am." sabi niya.

"Oh, okay. Here." at inabot ko na ang 10,000 na kinuha ko sa bag ko. Mura lang pala, eh.

Naglalakad ako papunta sa mall at kinakalkal ko ang bag ko kasi hinahanap ko ang tali sa buhok ko nang may nakabangga ako. Ang tanga. 'Di tumitingin sa daan.

Nag-angat ako ng tingin at nanliit ang mga mata ko nang naalala ko ang taong 'to. Now we've met again.

"Do I know you?" tanong niya kasi halos patayin ko na siya sa tingin.

Inirapan ko siya. "I'm Avery Katerina Valderama. Now, you know me."

"Tss." sambit niya.

"Nakalimutan mo agad? You were the one who bumped my Mercedes Benz! My Mercedes Benz!" Pagpapaalala ko sa kanya.

"Oh, right. That You-just-bumped-my-Mercedes-Benz girl." kumunot ang noo niya nang naalala niya ako.

"Wala ka man lang bang sasabihin?!" singhag ko.

"Ulol ka rin, eh. Kitang may sinasabi ako!" singhag niya rin.

"Wag na wag mo akong pinipilosopo! Hindi ka man lang ba magso-sorry na ginawa mo?" tinadyakan ko ang paa niya.

"Edi, sorry! Happy?" aniya at nilagpasan na ako.

"Hey! 'Wag kang bastos! Kinakausap kita!" sigaw ko nang naglakad na siya palayo.

"Hindi ako interesado!!" sigaw niya, nakatalikod parin.

Hindi na ako nakapagtimpi at hinabol ko siya at nang naabutan ko siya, kinurot ko ang braso niya.

"Ow! Napaka-feeling close mo yata at nangungurot ka na! Don't tell me galit ka pa rin eh nagsorry na ako!" hinawi niya ang kamay ko.

"Iyon na ang sorry mo? Aba ang galing! Ang galing, galing!" sarcastic ko sinabi.

"Ano ba kasing sorry ang kailangan mo?" Tanong niya.

"Are you dumb? 'Yong sincere at totoo. Hindi 'yong sumisigaw!" Inirapan ko siya.

He cleared his throat and said, "Sorry."

"'Yon! Apology accepted." ngumiti ako. Marunong naman palang magsorry.

"Tss. Pinagsorry pa ako." At naglakad na ulit siya palayo.

Hinabol ko ulit siya. Mapagtripan nga ang isang 'to.

"Uy." kinalabit ko siya at sinabayan sa paglalakad.

"Feeling close ka nga." nakatuon parin ang pansin niya sa daanan. Saan ba siya pupunta? Ah! Baka sa imburnal at mags-swimming.

"What's your name?" tanong ko.

"None of your business." sabi niya.

Mabilis ang paglalakad niya at medyo nahirapan ako at 'di ko namalayan ang isang bato sa daan. At of course, kung hindi ka bobo, natumba ako. Got it? Natumba ako at wala man lang tumulong sa akin.

Ito namang lalaking may kasalanan ng lahat, tumigil lang at kinagat ang lower lip niya habang umiiling. Nagpipigil pa ng tawa ang mokong!

Tumayo nalang ako ng dahan-dahan. Muntik na ulit akong matumba kasi sumakit 'yong paa ko. Bwisit.

Pagkatayong-pagkatayo ko, humagalpak na siya sa tawa at tumalikod.

Nakakainis. Nakakabanas. Nakakairita. Nakakabuo ng wrinkles!

Nawalan na ako ng gana para pagtripan siya kaya umalis na ako. Naghintay ako sa susunod na mangyayari habang naglalakad at aba, hindi man lang niya ako pinigilan para mag-sorry siya.

Tss. As if I care naman.

Like a BossTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon