Masyadong misteryoso ang taong ito. Kahit mataas ang Intelligence Quotient ko, hindi ko pa rin siya magets.
"Sorry ulit kanina. You know, Samara and Samantha." sabi niya at tinanggal ang braso niya sa balikat ko.
"Okay lang 'yon, ano ka ba. Hindi naman sila gaya mo, bwisit." sabi ko at ngumisi.
Hindi siya umimik.
Tumingin ako sa paligid at nakitang maraming babaeng nakatingin sa kasabay kong si Damon at nagbubulung-bulungan pa na parang kinikilig. May narinig pa akong isa mula sa malapit.
"Gwapo niya! Sheet! Pero taken! Sayang!"
Really?
At heto pa...
"P*cha!! OMG!! Godlike!" tumili pa talaga ang isang 'to at hindi na bumulong sa kahit kanino.
Tinitigan ko 'yong tumili ngunit 'di niya 'yon napansin.
Narinig ko ang mahinang halakhak ni Damon at naramdaman ko na lang ang kamay niya sa bewang ko at nilalapit ako sa kanya. Para ulit akong nakuryente sa bawat haplos ng balat niya sa balat ko.
Sht?
Am I really in love?
"Stay close. I don't want you that far." bulong niyang nagpatindig sa mga balahibo ko.
"M-Malapit lang... 'y-yon.." nanginig ako at sinulyapan ang nakangisi at nakataas-kilay niyang mukha.
"Hmmmm..." at nilapit pa ako sa kanya.
Note: Hindi pa kami nito at ganito na ang mga pinaggagagawa niya, ah? What could be more kung kami na nga?
Oh my!! Maybe we would be......
AAAAAAHHHHH!!!
ASDFGJKL!! QWERYUIOP!!! ZXCVBNM!!!
What the hell? Bakit ganon na kaagad ang iniisip ko?
"P-pwedeng.. bitiwan mo ako?" sabi ko at lumayo ng kaunti.
"Why would I let go of you?" humalakhak siya at diniin ako sa kanya.
"Damon...." Ako na mismo ang nagtanggal sa kamay niya nasa bewang ko at lumayo ng kaunti sa kanya. "I'm not comfortable."
"Well, I am." ngumisi siya
"Tumigil ka." inirapan ko na at tulalang naglakad papunta kung saan.
Sinulyapan ko siya at nakitang nakanguso siya na para bang nagpipigil ng ngisi at nakabalandra ang malalim na dimple na sobrang seducing. Sumulyap din siya sa akin at tinaasan ako ng kilay, nakangisi pero nakakagat-labi.
Tinaas-baba niya ang kilay niya. "Handsome?"
Ngumisi na lang ako at umiling.
Umupo ako sa isang bench at dinama ang hangin na dumadapo sa balat ko.
Sometimes, the people you don't expect are the ones expecting you.
The people you don't like are the ones who like you most.
Sila minsan ang sumasagip sayo mula sa kalungkutang ayaw mong maranasan. They are the ones that wish you happiness while you're wishing them sadness. May mga taong ayaw mo, pero gusto ka. May mga tao ring gusto mo, ayaw naman sa'yo. But it would be better if you'd stay in between dahil hindi mo alam ang mangyayari sa future.
Tinitigan ko ang nakangiti niyang mukha. How could someone be so handsome and attractive like him? I guess mayroon nang katapat ang Kuya ko sa kagwapuhan.
BINABASA MO ANG
Like a Boss
RomanceAvery Katerina Valderama has it all; beauty, wealth, wits... oh, just minus the good heart. She lives her life in luxury, making her world revolve around her and her capriccios. As karma crashes through everything in her way, she wonders: is this t...