05 : Forever Alone

2.8K 42 0
                                    




Nagising ako sa ingay ng katok sa aking pinto. God! I hate people who ruin my sleep. Palibhasa wala silang pakialam sa mukha nila, pangit kasi at hindi na magbabago. No need for a beauty rest.

Tamad akong tumayo at kinusot ang mata ko. Nang binuksan ko ang pinto, naaninag ko sina Manang Beth, Kuya Joma, at Ate Mandy na may dalang cake.

"Happy birthday!" Sabay-sabay nilang bati.

Oo nga pala, birthday ko ngayon. Manglilibre nanaman ako sa mga empleyado ko. Tss. Nakakalimutan ko na ang birthday ko dahil sa sobrang abala. Ni hindi man lang umuwi si mommy at daddy para magcelebrate kami.

Tuwing birthday ko, sila lang ang kasama ko. Si kuya, tinatawagan lang ako sa Skype, sina mommy, ni isang mensahe wala akong natatanggap.

"Thank you po!" sabi ko at pinagdikit ang mga palad ko.

"Pumikit ka na, hija." wika ni manang.

Pumikit ako.

"Humiling ka na." sabi naman ni ate Mandy.

Sinabi ko ang wish ko sa aking isipan.

"I wish na next birthday ko, kasama ko na ang buong pamilya ko."

I'm rude but I have feelings, too. Hindi porket mala-demonyo ang ugali ko ay wala na rin akong pakiramdam. Tao rin naman ako, kahit papaano. May puso rin ako sa likod ng kadamutan ko. May pakiramdam ako.

Lumandas ang isang luha ko habang ako'y naka-ngiti. I wish mom, dad, and kuya are here. I wish my family is here. Pero wala, eh. Wala talaga. Pakiramdam ko wala nang nagmamahal sa akin.... kundi ako. Just me all the way.

"Hija, 'wag kang umiyak!" tawa ni Manang. "Magbihis ka na, may opisina ka pa."

"Sige po." pinunasan ko ang luha ko. "Kuya, ate, manang, thank you po."

"Walang anuman, ma'am." ani Kuya Joma.

"Para ka na naming pamilya." ngiti ni Ate Mandy.

"Thank you po ulit." Ngumiti ako ng malapad bago isinara ang pinto ko.

Lumandas ulit ang isang luha sa pisngi ko. Damn.

This is the reality about life. I'm forever alone.

Like a BossTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon