"Come with me. Break the rules. It's your birthday," wika niya.Nagulat ako sa kanyang sinabi. I mean, talaga lang? Break the rules? For what? For nonsense?
"Please," inalok niya ang kanyang kamay.
Tiningnan ko siya at inobserbahan nang maayos ang kanyang ekspresyon. He looks a bit down and sincere.
"Please?" muli niyang sinabi at ngumiti.
Kita pa rin ang lungkot sa likod ng kanyang ngiti. I wonder why he looks sad. Ang alam ko ay masayahin siya kahit hindi kami ganoon katagal na magkakilala. Nagtataka ako kung bakit ganito siya ngayon. Is it because of this?
At dahil sa kanyang kaguwapuhan — este sa lungkot na ipinapasada ng kanyang mga mata, hindi ko na napigilan ang pagtanggap sa kanyang alok.
"Fine. I'll go with you."
Nakita kong napawi nang kaunti ang lungkot sa mata niya. Napangiti ako. I smiled because I made someone happy.
"So, HHWW tayo?" ngumisi siya.
Kapal talaga ng mukha nito! Pagkatapos humingi ng isang pabor, hihingi ulit! Ano 'to? Two in one package?
"Of course not," irap ko bago lumakad nang mabilis. Halos tangayin na nga ng hangin yung buhok ko, e. Pero syempre, joke lang 'yon. Joker kasi ako.
"Uy, Valderama." sumabay siya sa paglalakad. "Sorry. Joke lang yun eh."
"Funny," I sarcastically commented.
"Ikaw naman, nagtatampo agad," mapang-asar niyang usal at inakbayan ako. "Naglalam-"
"Heh!" tinanggal ko ang kanyang kamay na nasa aking balikat at binilisan pa ang aking lakad.
"I'm sorry," hinarangan niya ako. "I didn't know you weren't into jokes."
"Alam mo, kung bubwisitin mo lang ako, babalik nalang ako sa office," tinalikuran ko na siya upang maglakad pabalik.
"Uy, sorry na," aniya nang mahabol ako. He reached for my arm kaya napaharap ako sa kanya.
"Ano na naman?" kunot-noo kong tanong.
"I'm sorry," haplos niya sa aking braso. It sent me shivers and unfamiliar sensations. "I'm sorry..." ulit niya pa.
Tumango na lamang ako at tinanggal ang kanyang kamay sa aking braso. What just happened, Valderama? It was just a simple skin contact. Gosh.
"Sorry talaga, ah? I'm just a little down," sabi niya habang naglalakad kami.
"Wag mo kasi akong buwisitin," I replied.
"Yes, ma'am!" he chuckled. "But don't get your hopes up 'cause I really am annoying."
Nasa Luneta kami ngayon. Malapit lang naman 'to sa building namin kaya dito na kami dinala ng mga paa namin. It's a bit cheap, but okay. Makasaysayan naman ang lugar na ito, sadyang hindi lang nabigyang katarungan ng mga tao.
"Sorry talaga," he repeated for the nth time.
"Nambubuwisit ka na naman ba?"
"Naiinis ka na ba?" He grinned.
"Bwisit ka talaga," I mumbled.
I heard him chuckled kaya nanahimik na lamang ako. I made myself busy by looking at the families and other people having fun and trying to take pictures. Hindi nila inalintana ang sinag ng araw dahil papalubong na rin ito. The sun looked breath-taking while it tried to hide itself behind the trees of Luneta. Ang malinis ding kalangitan ang dumagdag sa kariktan ng magandang tanawin.
BINABASA MO ANG
Like a Boss
RomanceAvery Katerina Valderama has it all; beauty, wealth, wits... oh, just minus the good heart. She lives her life in luxury, making her world revolve around her and her capriccios. As karma crashes through everything in her way, she wonders: is this t...