Kinabukasan, maaga akong pumasok sa office. Marami-rami rin ang mga ginawa ko kaya hindi ko namalayan na lunch break na pala. Sa labas ako kakain.... Alone.
Hindi ko rin napansin ni anino ni Garret nang palabas na ako ng opisina kaya nagtanong na ako sa guard.
"Kuya, is Garret here?" tanong ko.
"Naku, ma'am, absent po." umiling siya.
"Oh, okay." sabi ko.
Tuluyan na akong lumabas ng building at 'yon nga, nadatnan ko si Damon na nakasandal sa maliit niyang Vios. Nakatitig ang mokong sa'kin kaya inirapan ko siya.
Pumasok na ako sa kotse ko pero bago ko pa masara ang pintuan, pinigilan na 'yon ni Damon at hinawakan niya ang manibela kaya nairita ako.
"Ano ba?! Tigil-tigilan mo ako sa kamanyak mo, ah!" kinurot ko ang braso niya.
"At sino naman ang nagsabi na minamanyak kita?" tinaasan niya ako ng kilay.
"Ako!" Tinulak ko siya pero hindi siya gumalaw. Malakas ka pala, ah.
"Bumaba ka na. Sabay tayong mag-lunch." ngumiti siya.
"Ayoko. May kotse ako!" Ini-start ko na ang engine.
"Sige na!" hinablot niya ang susi ng kotse ko kahit nakasaksak na ito. At.....
Naputol ang susi!
"Uh-oh..." sumipol siya.
Tinitigan ko siya. Kumukulo ang dugo ko!!!!!
"Bwisit ka, Damon! Bwisit ka!" bumaba ako ng kotse ko at sinigawan siya.
"Tara na! No choice! Let me drive you!" hinila niya ako papunta sa kotse niya kaya kinurot ko siya. Aba! Hindi nasasaktan!
"Ano ba?!" Hinablot ko ang braso ko galing sa kanya. Nakangisi ang mokong!
"Halika na!" Binuksan niya ang pintuan sa front seat.
"Ayoko nga!" sigaw ko. "You did it on purpose! Sinira mo 'yong susi!"
Bumuntong-hininga siya. "Get inside. Hahalikan kita pag hindi ka pumasok."
"Bwisit!" pumasok na nga lang ako sa kotse niya! Dinadaan ako sa kamanyakan!
Umikot siya at nakangising pumasok sa kotse. Bwisit!
Ini-start niya na ang engine at nagsalita,
"Magseat belt ka." aniya at isinuot ang seat belt niya.
Inirapan ko siya at isinuot na rin ang seat belt ko.
Nagsimula na siyang magmaneho. Kung hindi lang talaga nasira ang susi!
"San tayo?" Tanong niya, nakatingin pa rin sa daan.
"Ewan ko sa'yo." sagot ko at tinignan siya.
"Suplada." sumulyap siya ng isang beses.
"Pagkatapos nito, pumunta tayo sa repair shop, ah. Ipapaayos ko 'tong susi." sambit ko.
"I really can't believe that you're inside my car." wika niya kay napatingin ako sa kanya.
"OA mo." umirap ako.
Itinigil niya ang kotse dahil nag-red na ang traffic light. Dumidilim ang mga ulap at nagsimulang umambon.
Malas, malas, malas! Kung kasama ko siya, laging umuulan!
"Nagtataka ako, bakit tuwing kasama kita, umuulan?" sambit niya kaya tinignan ko siyang nakatingin din sa'kin.
BINABASA MO ANG
Like a Boss
RomanceAvery Katerina Valderama has it all; beauty, wealth, wits... oh, just minus the good heart. She lives her life in luxury, making her world revolve around her and her capriccios. As karma crashes through everything in her way, she wonders: is this t...