41 : Selos

921 16 0
                                    


Pagkatapos kong kumain ay agad kong inilagay ang pinggan sa lababo habang sinusuot naman ni Damon ang kanyang t-shirt. Perv. Masyado talagang confident sa pangangatawan.

"Nica's going back to New York tomorrow." Sabi niya habang naghuhugas ako ng kamay.

"Really? Tinatanong ko ba?" Ngumisi ako. Hell I'd care for my cousin.

"Hindi. Sinasabi ko lang. Sinabi niya kasing pumunta raw tayo sa airport bago siya magcheck-in." Aniya.

Pinatay ko ang gripo at tinignan siya pagkatapos. "Bakit naman?"

"To say good bye or something." Nagkibit-balikat siya. "I don't know."

"Anong oras?" Humalukipkip ako.

"5 pm tayong pupunta. 6:30 ang flight niya." Ngumiti siya. Wow. Alam na alam.

"Pupunta lang tayo sa airport? Tapos uuwi rin kaagad? No way!" Umirap ako.

"Pwede tayong mag-date." Suhestiyon niya.

Tumaas ang isang sulok ng labi ko, "Sure, sure. How lovely." I rolled my eyes.

"Ayaw mo?" Ngumuso siya.

Nagkibit-balikat ako at nilagpasan siya para tumungo sa living room. Umupo ako sa couch at niyakap ang isang throw pillow. Tumabi siya sa akin at nakita kong nalanguso pa rin siya.

"Date?" He pouted like a dog. Kidding. Hindi siya dog. Bulldog.

Pinulot ko ang remote na nasa coffee table at pinaglaruan ang buhok ko habang naglilipat ng mga channel.

"Anong klaseng date ba?" Ngumisi ako, hindi tumitingin sa kanya.

"Ordinary date, Avery. Iyong nanonood ng sine, kumakain, whatever." He mumbled.

"Magiging masaya ba ako?" Nilingon ko siya at tinaasan ng kilay.

"Of course!" Ngumisi siya.

"Pagkatapos non? Uuwi na?" Pinanatili ko ang kilay kong nakataas.

"Ikaw bahala. Kung ayaw mo pang umuwi, pwede tayong dumiretso sa condo ko. Even in a 5 Star Hotel, if you want." Kindat niya.

"Sa condo mo na lang?" Pabiro kong sinabi.

Ika nga, 'diba, 'Jokes are half meant.'

"God, baka maging langit 'yong condo ko." Humalakhak siya.

"Manyak nito. Iba na naman ang iniisip mo, ano? Sa condo mo, manonood tayo ng tv or whatsoever. Naku, anong iniisip mo? Puro kahalayan?" Umiling-iling pa ako.

"Oh, mahalay ba iyong iniisip ko? 'Di naman, ah? Gagawin naman natin 'yon, hindi ba?" Umusog siya papalapit sa akin.

"Dream on, jerk." Tinulak ko ang mukha niya palayo.

Habang tinutulak ko ang mukha niya ay naramdaman kong dinilaan niya ang kamay ko kaya agad akong napabalikwas at napatayo.

"What the f*cking f*ck? Yuck!" Sigaw ko.

Nakangisi siya habang nakatingin sa telebisyon. Kinagat niya ang labi niya ng nakangisi pa rin at umiling-iling.

"Yuck... asshole." Iling ko at pumunta sa kitchen para maghugas ng kamay.

Kadiri talaga ang lalaking iyon. Ang manyak, shiz. Pero mahal ko naman. Diyos miyo! Magmamahal na nga lang ako, sa isang lalaki pang mahalay ang utak? Well, atleast I'm pretty sure he's not a rapist or something.

I mean, syempre, gwapo si Damon. In fact, sobrang gwapo na parang mas nahigitan pa si Adonis. And, he's really hot. Hindi literal, ha? At 'yong dimple niyang nagpapakita tuwing pinapasada niya iyong ngiti at kahit sa pagsasalita niya ay sumisilip? Damn, iyon pa lang nakakapanghina na.

Like a BossTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon