39 : Trust

804 11 0
                                    

THIS IS A FLASHBACK. NO VIOLENT REACTIONS!

————————

My first heartbreak happened when I was in 9th grade. At hindi na masusundan pa ang heartbreak na iyon... I guess.

"It's Jaden's birthday tomorrow, Quinn. Hindi ako makakasama sa'yo." sabi ko kay Quinn na nasa kabilang linya habang naglalakad sa mall.

"I'm your bestfriend, for Pete's sake!" Maarte niyang tugon.

"Invited ka naman, eh. So we'll see each other tomorrow, too. Pero hindi talaga kita masasamahan sa office ni Tito. Well, you can bring Yuri instead." Nakangiti ako kahit na alam kong sasabog na si Quinn.

"Busy rin ang babaitang 'yon. She has her own life." aniya.

"Sige na, I need to buy something. Bye! Sorry." Ngumuso ako at pinutol na ang linya.

Now, I need to find something good. A gift, perhaps.

Birthday kasi ni Jaden bukas. Masaya ako dahil ito ang first time kong maka-attend sa birthday niya as his girlfriend.

Pagkatapos ng break-up namin ni Yuan ay naging mas masaya ako. Yuan's my first boyfriend but not first love. Pumayag akong maging girlfriend niya dahil gusto kong maranasan kung paano ang boyfriend-girlfriend relationship. After a week, nagparamdam sa akin si Jaden sa Facebook. He said he likes me. But I thought, dapat dati pa niya akong pinormahan 'diba? But I didn't mind. First love ko kasi siya. Kahit noong kami pa ni Yuan ay crush na crush ko na siya. Idagdag mo pa ang pagiging maginoo.

He's Jaden Riu Montenegro, for God's sake! Who would say no?

Ngumuso ako nang pumasok ako sa isang shop na panlalaki. Mamahalin ang mga produkto rito kaya alam kong pwede ko itong ipanregalo kay Jaden.

Tumingin ako sa mga t-shirt. Mahilig din sa mga ganito si Jaden. Plain shirts. Ayaw niya sa mga may print dahil aniya'y magulo raw.

Tinitigan ko ang isang black na polo shirt.

"Are you going to take it, ma'am?" wika ng babae sa aking gilid.

"Yes, I will." ngumiti ako.

Ngumiti rin siya at kinuha na ang polo shirt. Iniabot niya 'yon sa akin. Kaya ko namang abutin, ah? Tss. Hayaan na lang.

Pagkatapos ko 'yong bilhin ay bumili ako ng gift wrapper. I wanna wrap it myself. I love Jaden. And I'll do everything for him.

Pagkatapos kong bumili ng mga kailangan ko ay pumunta ako sa ice cream parlor sa may bay, my fave spot in there. Ipinagdrive ako ng aming driver papunta roon. Well, I have my Benz but dad doesn't want me to drive yet. Wala rin naman akong driver's license dahil baka raw ay magmaneho na ako at maglakwatsa. Kaya habang hindi ko pa 'yon ginagamit ay si Kuya muna ang nagpapakasasa roon.

Tahimik kong pinagmasdan ang mga alon na humahampas sa sea wall habang sinusubo ang ice cream. It really tastes good. Kaya all-time favorite ko.

Pagkatapos kong kumain ng ice cream ay nagpasya na akong umuwi. Kailangan ko nang i-wrap ang gift para sa party bukas at pumili ng isusuot.

"Kuya, uuwi ba sina mom ngayon from Pangasinan?" tanong ko kay Kuya Joma habang nagmamaneho siya pauwi.

"Hindi yata, eh. Siguro sa susunod sa linggo pa." Sagot niya at bahagyang sumulyap sa akin.

"Okay.." sabi ko na lang at nilibang ang sarili ko sa pagmamasid sa aming van.

Malaki ang van na ito kumpara sa isa pa naming van. Bago ito at pwede pa akong humiga. Somehow, it feels empty. Masyadong malaki para sa akin. Ako lang naman ang laging sumasakay rito dahil nga si Kuya ay may gamit ng Benz ko.

Like a BossTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon